top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 23, 2022 (Sabado)

BULGAR
Jul 23, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 23, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 23, 2022 (Sabado): Talas ng isip ang sandata ng kapalaran na pinagagamit sa iyo ng langit nang sa gayun ay mapasaiyo ang lahat ng gusto mo sa buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makinig ka sa mga payo sa iyo dahil sa maniwala ka o hindi, hindi maaasahan ang mga ipapayo mo sa iyong sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-14-20-24-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tutukan mo ang iyong pinagkakakitaan ngayon. Huwag mo nang pagkaabalahan ang ibang bagay. Sa ganitong paraan, mapapakinabangan mo ang araw na ito na pabor sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-12-27-32-35-42.

GEMINI (May 21-June 20) - Maluwag ang landas ng buhay na iyong tinatahak ngayon, hindi tulad sa nakaraan na masikip at parang ikaw ay pinagdadamutan ng kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-26-30-35-38-41.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka puwedeng mabuhay sa nakaraan dahil ang nabubuhay sa nakaraan ay wala nang kinabukasan. Harapin mo ang mga bagong araw na dumarating sa iyo nang mabuhay ang iyong sigla. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-1-19-21-26-37-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit magkamali ka ng pasya ngayon, huwag kang mabahala dahil ang mga pagkakamali mo ay itatama ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-15-29-39-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ibahagi mo sa iyong kapwa ang ilang biyayang nasa iyo ngayon. Magkakatotoo sa buhay mo ang nangyayari sa halaman na kapag natalbusan, ang mga dahon ay lalo pang lumalago. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-11-20-21-37-39.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Papaganda ang kapalaran mo, kaya wala pa ring magagawa ang mga naghahangad na mabigo ka na akala ay hindi ka na makakabangon pa. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas upang lalo kang suwertehin at gumanda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-24-25-36-40-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lilisanin ka ng mga problema at ang papalit sa kanila ay magagandang kapalaran na puwede kang dalhin sa dulo ng iyong malalaking pangarap sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-18-21-24-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sobrang bilis ng magiging pag-angat ng iyong buhay. Nagbababala ito na puwede kang malasing sa kasikatan. Ngayong alam mo na ang babala, hindi ito dapat mangyari sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-21-24-26.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mabilis na mahuhulog ang loob mo sa taong biglang naging bahagi ng iyong buhay. Bilang pagtatapat sa iyo, ang misyon lang niya ay tulungan ka at wala nang iba pa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-16-22-28-30-34.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sarap ng buhay ang ibinabalita ng araw na ito para sa iyo. Mararanasan mo ito sa mahabang mga araw na darating. Magsaya ka at ‘wag mag-aalala sa mga problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-25-26-33-35.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Piliin mo lang ang mahahalagang imbitasyon na iyong tatanguan. Hindi puwede na ang lahat ng paanyaya kung saan ikaw ay puwedeng magsaya ay iyong susunggaban. Ito ang payo para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-13-18-25-35-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page