top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Hulyo 22, 2024 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 22, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 22, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 22, 2024 (Lunes): Tutukan mo ang pagpapayaman, at iwasan mo ang mga taong inggit sa iyo. 

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ilabas mo ang matagal nang nakatagong metal na gustung-gusto mo. Ito ngayon ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-14-19-23-33-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Baguhin mo ang pagkakaayos ng mga gamit sa sala ng inyong tahanan. Kapag ito ay nagawa mo, tiyak na magdadatingan ang mga biyaya na may kinalaman sa iyong tahanan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-16-18-21-27-39.

 

GEMINI (May 21-June 20) - Kapag nalabanan mo ang mga naririnig mong chismis, mas gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-17-23-31-34-42.

 

CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong patulan ang mga taong walang ibang ginagawa kundi ang mamintas ng kanilang kapwa. Mas magandang kontrolin ang sarili, kaysa labanan ang mga taong wala namang kuwenta. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-16-25-35-38-41. 

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Bubuhos ang napakaraming pagpapala kapag nagawa mong pakitaan ng maganda ang mga humahadlang sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-10-19-22-20-28. 

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang mga nakapaligid sa iyo, sa kanila manggagaling ang mga biyaya mo. Bilang pasasalamat sa kanila, mas magandang magsama-sama kayo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-17-26-38-40-43.

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi hadlang ang malakas na ulan sa pagpapasaya. Iba na ang mundo ngayon, may mga komunikasyon na nagagamit kahit nasa bahay lang. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-7-13-21-29-34-45.

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdaratingan ngayon ang magandang kapalaran mo. Ang kasalukuyang suliranin ay mapapalitan na ng kaligayahan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-18-26-29-32-44. 

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi naman talaga nawawala ang mga bituin sa langit, natatakpan lang ito ng mga ulap. Ibig sabihin, mananatili pa ring maganda ang takbo ng iyong buhay, kahit pa makaramdam ka ng pangamba at pag-aalala. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-21-33-38-41.

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nakakagulat ang paraan para lapitan ka ng suwerte. Ilagay mo ang iyong relo sa kaliwang braso kung isa kang kaliwete. Kapag ginawa mo ito, malaki ang tsansa mong suwertehin sa susunod na araw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-17-22-27-34-40.

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Sa tuwing lalabas ka ng bahay, dalhin mo ang gamit mo na may palawit, dahil ito ang magsisilbi mong pampasuwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-9-18-24-30-41. 

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tumayo at umupo ka. Gawin mo ito tuwing umaga, at magugulat ka dahil magbabago ang takbo ng iyong buhay sa hinaharap. Maraming oportunidad ang magdadala sa iyo sa pagyaman. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-16-20-25-29-34.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page