top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 22, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Jul 22, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 22, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 22, 2022 (Biyernes): Malakas ka, kaya ang iba pang malalakas ay nakakabangga mo. Mas magandang gawin mong kaibigan ang mga umaaway sa iyo. Ito ang payo ng kapalaran mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong guluhin ang iyong isip sa isang taong wala pang kasiguraduhan na siya ay para sa iyo. Tumutok ka lang sa paghahanapbuhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-11-19-28-32-39.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Parang mabigat ang araw na ito para sa iyo, pero ang totoo ay kulang ka lang sa tiwala sa iyong sarili. Sa nagtitiwala sa sariling kakayahan, ang lahat ng bagay ay gumagaan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-24-25-30-33-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magmadali ngayon. Sa araw na ito, ang maganda para sa iyo ay ang analisahin muna ang mga kaganapan upang ang susunod mong mga hakbang ay tamang-tama. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-21-27-33-40-44.

CANCER (June 21-July 22) - Hindi maganda para sa iyo ang muling itago ang iyong saloobin. Ang payo ng kapalaran mo ay sabihin sa kinauukulan ang mga ito gamit ang magagandang pananalita. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-18-26-27-35-39.

LEO (July 23-Aug. 22) - Nakakatuwa ang suwerte mo ngayon dahil manggagaling ito sa iyong lihim na kinaiinisan. Mas maganda at makakabuti kung gagawa ka ng paraan para kayo ay magkaunawaan na. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-28-34-37-41

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dalisay at wagas na pagkatao ang lilitaw sa iyo. Wala kang papanigan kundi ang mabuti. Dahil dito, ang langit ay sobrang matutuwa sa iyo at tatanggap ka ng malaking regalo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-17-21-25-27.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hinihintay ka na ng masaganang buhay, ibig sabihin, ngayon ay maganda ang panahon para sa pagpapatatag ng iyong kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-24-33-38-43.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kakaiba ang takbo ng iyong kapalaran ngayon dahil habang nagpapalakas ang iyong mga lihim na kaaway, ikaw naman ay lalo pang lumalakas nang higit sa kanila. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-21-27-35-37-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Itabi mo muna ang dikta ng iyong puso. Hindi ngayon ang tamang panahon para rito. Unahin mo ang paghahanda sa kinabukasan dahil ito ang sikreto ng maligayang relasyon. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-5-18-22-24-32-38.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kakaiba ang paraan para ikaw ay suwertehin. Isuot mo ang damit na ayaw na ayaw mo. Habang suot mo ito, dadapo sa iyo ang nakakamangha at magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-25-29-30-38-41.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Suwerte ka ngayon, pero mag-aalinlangan ka at ito ang magbibigay sa iyo ng magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-16-22-28-39-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahirap maghanap ng tunay na kaibigan. Sa halip na mga bago, mas magandang patatagin mo ang iyong relasyon sa mga dati mo nang mga kaibigan na iyong laging naaasahan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-12-22-25-29-38-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page