top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 21, 2022 (Huwebes)

BULGAR
Jul 21, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 21, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 21, 2022 (Huwebes): Ituloy mo lang ang iyong pagsisikap. Makakaasa ka na maaabot mo ang iyong malalaking pangarap at hindi ka matutulad sa mga nagsikap, pero bigo pa rin. Sa araw na ito, ginagarantiyahan na magiging kasangga mo ang langit.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mula sa ibaba, aangat ka at kung mananatiling buo ang loob mo, maaabot mo ang pinakamataas na antas ng tagumpay. Ipakita mo sa langit na palaging buo ang iyong loob. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-18-20-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Darating ang mga suwerte mo sa sandali na akala mo ay hindi na umuusad ang iyong buhay dahil ayaw ng langit na mabuhay ka sa kalungkutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-13-23-24-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Pagmasdan mo ang iyong kapaligiran at mag-obserba ka sa kilos ng mga tao kung may makikita kang susi ng tagumpay na magagamit mo sa iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-17-25-27-35-41.

CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mag-aksaya ng panahon, bagkus, kumilos ka nang kumilos at huwag mong hayaan na maapektuhan ka ng mga negatibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-14-18-22-28-34.

LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong ungkatin ang nakaraan dahil sa sandaling nagpaalipin ka rito, tiyak na hindi na aabante ang iyong kasalukuyan. Ang lumipas ay hindi na maibabalik pa. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-15-20-25-39-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung sino ang nakakaangat, sa kanya ka dumikit dahil ikaw ay aangat din. Huwag kang dumikit sa mga walang pag-asang umasenso ang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-10-19-27-39-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ipanatag mo ang iyong sarili dahil mismong langit ang kikilos para sa iyo, kung saan ang mga hindi mo kaya, lalo na ang mga gusto mong mangyari ay mapasasakamay mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-16-23-21-35-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Mananariwa ang kapalaran mo hanggang sa ganap na gumanda ang takbo ng mga pangyayari na pabor sa iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-17-25-28-29-38.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Makakadama ka na may mga suwerteng dumarating sa buhay mo. Mas magandang salubungin mo ang mga ito nang may positibong pananaw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-26-30-32-35.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muling ipapakita ng langit ang Kanyang pagmamahal sa iyo dahil sa ipinamalas mong kagandahang loob. Huwag kang magbabago, ito ang inaasahan ng langit sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-10-14-23-39-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Bilis ang susi para mapasakamay mo ang gustong-gusto mo. Kapag naging mabagal ka, lilipas ang magagandang oportunidad na nasa iyo nang harapan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-15-18-24-29-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Sinupin mo ang nasa iyo na. Magiging malalaking suwerte ang mga ito na sapat para masabi mong napakasuwerte mo. Muli, sinupin mo ang nasa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-21-27-34-37-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page