top of page
SPECIAL - MISTER NI BEA NA SI VINCENT, ‘DI TINANGGAL SA PUREGOLD_IG _beaalonzo.jpeg

Horoscope | Hulyo 2, 2023 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 2, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 2, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 2, 2023 (Linggo): Kahit dayain ka pa ng mga tao, patuloy ka pa ring aasenso, dahil ang langit lang ang nakakakita ng kakaibang kabaitan mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-alala kapag naisahan o nalamangan ka. Ito ay nakatakdang mangyari at ang isa pang nakatakdang maganap sa iyo ay ang makatanggap ka nang maraming biyaya. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-16-18-21-24-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ngayon mo gawin ang mga bagay na hindi mo pa ginawa, dahil napanghihinaan ka ng loob. Nakaalalay sa iyo ang langit ngayon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-13-26-29-30-31.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit anong gawin mo, babagal ang pagsulong mo. Hindi dahil sa pagkakamali o pagkukulang mo, kundi dahil ito ang nakatakda sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-22-28-31-37-39.

CANCER (June 21-July 22) - Muling magpapakita ng lakas ang iyong mga suwerte. Kahit ikaw ay magugulat sa mga suwerteng napapasakamay mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-10-16-24-37-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Buksan mo ang iyong puso, upang pakinggan ang kanilang mga hinanakit at sama ng loob sa mundo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-21-30-37-38-43.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mas malakas ang dating sa iyo ng mga negatibong kaisipan. Ngayon ay alam mo na ang ganitong bagay, makakagawa ka na ng agarang solusyon para hindi ka matalo nito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-23-29-35-41-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglang lumakas ang iyong karisma na halos umabot na sa isang malakas na gayuma. Kapag nahalata mong lumalapit sa iyo ang mga wala namang kuwenta, ay agad mo itong layuan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-13-28-30-37-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Gawin mo na ngayon ang matagal mo nang binabalak na magpapaganda sa buhay mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-14-15-19-20-25-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang mag-alala kung parang bumabagal ang takbo ng iyong kapalaran. Hindi nakakabahala ang ganitong bagay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-18-26-37-40-46.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Para sa malalimang pag-aaral sa buhay mo. Sa pananahimik, suriin mo ang iyong nakaraan at kasalukuyan. Masuwerteng kulay- violet. Tips sa lotto-5-9-21-25-32-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapalapit sa puso mo sa mga taong nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-14-21-22-29-33.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Papabor sa iyo ang araw na ito. Aakalain ng mga kontrabida sa buhay mo na makakaporma sila, ngunit hindi nila alam na malaking kahihiyang ang kanilang sasapitin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-24-25-35-37-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page