Horoscope | Hulyo 2, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 2, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 2, 2022 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng mga suwerte dahil ang mga biyayang inilaan para iyo ng langit ay tulad ng ilog na walang katapusang dumadaloy ang agos.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatalunin ka muli ng iyong damdamin. Pero wala kang dapat ipag-alala dahil ang ganitong pangyayari sa buhay mo ay nagpapaalala na ikaw ay may malambot na puso. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-12-16-20-30-34.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong talikuran ang iyong obligasyon. ‘Ika nga, ang mga pagsubok ay ibinibigay dahil kakayanin ito ng mga taong sinusubok. Ganundin ang mga obligasyon mo, kayang-kaya mo itong maresolba sa maikling panahon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-18-19-20-21-27.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang pasya mo, ‘yun na. Ang anumang pagpapalit ng isip ay hindi na makakabuti para sa iyo dahil lalong lalaki ang iyong problema. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-22-24-25-36-38.
CANCER (June 21-July 22) - Ang munting kaloob mo sa iyong kapwa ay makikita mong kanyang pinagpapala. Sobrang sasaya ka dahil hindi ito nasayang at ito ay ginamit niya para umasenso. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-18-22-24-26-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Pinagpapala ang maawain, kaya ikaw ay mas pagpapalain dahil ang iyong kabaitang ipinamalas sa kapwa ay bihira ang makakagawa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-11-14-28-29-33.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Manahimik ka at bilangin mo ang mga pagpapalang sumasaiyo. Dahil dito, muling guguhit sa kapalaran mo ang magagandang bagay na ipagkakaloob sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-24-27-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kasabay ng pag-aawitan ng mga anghel sa langit, mahuhulog sa iyong harapan ang mga suwerteng hindi mo aakalaing para sa iyo. Upang lalong dumami ang iyong mga suwerte, ‘wag mong kalilimutang magpasalamat sa langit. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-23-28-30-35-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Malakas ang buhos ng mga suwerte mo. Ihanda mo ang iyong sarili at magbawas ka ng mga bagay na hindi mo kailangan nang sa gayun ay magkaroon ng espasyo ang mga bagong suwerte. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-21-25-27-39-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabubuhay muli ang mga katangian mo na naging sanhi ng iyong pag-asenso. Dahil dito, bibilis ang iyong pag-unlad. Ito ang masuwerteng balita para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-14-15-27-30-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Tatamaan ka ng hindi nakikitang sinag mula sa mga nagkikislapang bituin sa langit. Dahil dito, kikislap din ang kapalaran mo at ito ay mag-aangat sa iyo sa lahat ng aspeto ng buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-16-22-26-33-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Init at lamig ang panahon ngayon, ngunit ang magbibigay sa iyo ng kakaibang pakiramdam ay ang ihip ng hangin na may dalang magagandang kapalaran para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-18-20-25-29-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Papalakas nang papalakas ang mga suwerte mo. Hindi pa rin makakaporma ang mga lihim na naghahangad na ikaw ay mabigo. Patuloy pa rin na mamamayagpag ang iyong mga buwenas, habang ang naghahangad ng iyong kasawian ay masasaktan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-23-29-31-32-38.




Comments