top of page
Isko Moreno Domagoso - FB.jpg

Horoscope | Hulyo 19, 2024 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 19, 2024
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 19, 2024



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 19, 2024 (Biyernes): Hindi mo maiiwasan ang iyong sarili na magkawanggawa. Dahil ito mismo ang mahalaga mong misyon sa buhay na alalayan ang mga kapus-palad.

 

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Siguraduhin mong napapaligiran ka ng kapayapaan at kasiyahan. Ito ang susi upang hindi ka madikitan ng pangit na kapalaran, dahil ang suwerte ay kumakapit lamang sa mga masasayang nilalang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-12-23-28-33-40.

 

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kailangan mong masikatan ng araw. Ito ang susi upang magliwanag ang daan patungo sa iyong magandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-6-15-22-29-37-44. 

 

GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang magpatangay sa mga pansamantalang kasiyahan. Isa itong uri ng tukso na dapat mong iwasan. Maaari itong makaantala sa iyong paglalakbay patungo sa iyong pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-23-28-38-44. 

 

CANCER (June 21-July 22) - Kambal na suwerte ang nakalaan sa iyo ngayon. Manatili kang positibo upang patuloy na dumating sa iyo ang mga suwerte. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-7-15-24-32-37-45. 

 

LEO (July 23-Aug. 22) - Iyo ang araw na ito. Ito ang panahon na kung saan, kahit pabiro ang iyong hiling sa langit ay maaari itong magkatotoo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-11-19-22-28-35. 

 

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kung ano ang iyong binigkas, siguraduhin mong magagawa mo ito. Mas hinahangaan ng langit ang taong may paninindigan at may tiwala sa sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-14-20-23-31-44. 

 

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Malakas ang iyong karisma na maaari mong magamit sa personal mong layunin sa buhay. Pero mas maganda kung ilalaan mo ito sa negosyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-15-21-27-33-38

 

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibigay mo ang iyong lakas kung paano pagagandahin ang iyong kinabukasan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-12-24-36-40-42.

 

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang umasa sa kahit na sino, ikaw mismo ang dapat tumiyak na hindi magkakamali ang takbo ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-21-27-33-39.  

 

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ibahagi mo ang saya na mayroon ka sa mga taong malungkot at may pinagdaraanan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-13-26-38-41-44. 

 

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ipamigay mo ang mga gamit na hindi mo na kailangan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa Lotto-4-11-25-31-35-43. 

 

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magpapaapekto sa mga pangyayaring may kinalaman sa iba. Hindi ka madadamay, dahil ang langit mismo ang aalalay sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-16-21-27-33-40.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page