Horoscope | Hulyo 18, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 18, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 18, 2022 (Lunes): Magtatagumpay ka dahil ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang ay pagtatagumpay laban sa mga hamon ng kapalaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyong-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan, kaya huwag mo nang lagyan pa ng kung ano-anong dekorasyon ang hiling mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-17-19-20-22-25-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kumilos ka nang may sigla at makikita mo na ang magagandang kapalaran ay dadapo sa iyong buhay. Hindi maganda kung tatalunin ka ng pananamlay at kalungkutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-15-21-28-39-42.
GEMINI (May 21-June 20) - Nanggagaling ang kaligayahan sa puso, kaya sundin mo ang sinasabi ng puso mo. Palakontra ang isip, kaya huwag kang makinig sa sasabihin nito. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-13-14-28-37-41.
CANCER (June 21-July 22) - Itutulak ka ngayon ng iyong kapalaran para magawa ang mga bagay na iyong pinag-aalinlanganan. Gayundin, ang mga plano na hindi mo maituloy-tuloy ay masisimulan mo na ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-12-18-23-26-35-38.
LEO (July 23-Aug. 22) - Lumalambot ang matigas na damdamin kapag nakita na ang katotohanan. Sa ngayon, mauunawaan mo ang dahilan ng mga bagay na naging sanhi ng iyong init ng ulo at kalungkutan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-11-16-20-24-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mamasyal ka. Sa pamamasyal, gumagaan ang pakiramdam. Sa pag-iisa, lalong bumibigat ang sama ng kalooban. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-22-27-28-39-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi maganda ang biglaang pag-alis ng nakaugalian. Dahan-dahan lang at maghinay-hinay ka. Sa huli, mababago mo rin ang lahat ng gusto mong baguhin sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-21-25-26-34-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nasusugatan ang isda na sumasalungat sa agos ng tubig. Hayaan mo lang na tumakbo ang mga pangyayari kahit hindi mo gaanong gusto ang mga nagaganap sa iyong paligid. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-26-28-30-33-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakaalalay sa iyo ang langit. Puwede mo nang gawin ang mga plano mo na maraming kumokontra dahil ito ang araw na ipagkakaloob sa iyo ng langit ang matamis na tagumpay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-9-11-17-27-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi maganda ang mga kilos na hindi pinag-isipan. Iwasan mong matangay ng iyong emosyon ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-16-24-25-37-39-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumalayo ang mga suwerte kapag ang tao ay alipin ng galit. Hindi ka dapat mabuhay sa sama ng loob at hinanakit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-18-20-23-38-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mahalaga ang may ipon dahil may magagamit sa biglaang pangangailangan. Simulan mo na ang pag-iipon habang maganda ang takbo ng kapalaran. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-22-24-29-36-41.




Comments