top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 17, 2022 (Linggo)

BULGAR
Jul 17, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 17, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 17, 2022 (Linggo): Kahit gaano pa kalaki ang mga pagsubok, tiyak na ito ay iyong kakayanin. Ang totoo nga, maraming tao ang gagawin kang huwaran dahil sa tatag at tibay ng iyong loob.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili sa pagrereklamo. Bingi ang mga awtoridad dahil akala nila, sila ang dapat masunod. Kahit mali sila, mas mabuting manahimik ka muna. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-12-18-27-33-42.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mahirap paniwalaan na humihina na ang salot. Hindi magtatagal, kusa na rin itong maglalaho. Gayunman, mas maganda na makasanayan mong magpalakas ng kalusugan. Mauswerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-18-24-37-41-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagkakasakit ang tao dahil humihina ang kanyang katawan, pero ang nakakagulat, siya rin naman ay kusang lumalakas. Ang katotohanang ito ang sandalan mo nang hindi ka nerbiyosin. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-5-18-27-36-43.


CANCER (June 21-July 22) - Nawawala na ang kaduwagan. Nasasanay ang tao sa sitwasyon na sa una ay sobrang hirap, ngunit sa huli ay napapanatag na ang kanyang kalooban. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-22-26-34-40-45.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag malakas ang kalaban, dapat magpalakas ka rin. Kumain ka ng masusustansyang pagkain at huwag mong kainin ang mga pagkaing nakakasira ng katawan. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-10-17-25-38-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Humingi ka ng payo sa alam mong maraming alam. Huwag kang mahiya dahil ang marunong at mga eksperto ay nanghihingi rin ng payo at nagdadagdag ng kaalaman. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-3-8-17-23-29-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit sa sarili mo ay takot ka. Huwag mong masyadong ipahalata dahil kapag ikaw ay nakitang takot na takot, ang mga mahal mo sa buhay ay panghihinaan din ng loob. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-29-35-39-41.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kilala ka na matapang at buo ang loob. Panatilihin mo ito kahit nahaharap ka sa matinding banta ng pagkakasakit. Mabilis na gumaganda ang kalagayan ng matapang at buo ang loob tulad mo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-14-21-28-33-49.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Humihina ang malakas at ang mahihina ay lumalakas. Kapag humina ka, muli kang magpalakas. Ganu’n lang naman ang dapat mong gawin at mapapanatag na ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-1-7-18-22-27-34.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahirap alamin ang laman ng iyong kalooban. Pero kung sasabihin mo ito sa malalapit sa iyo, mas titibay at gaganda ang pagmamahalan n’yo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-14-20-27-34-52.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lumilipad ang diwa at isip mo, kaya hindi ka naman kabilang sa mga tao na walang kalayaan. Ang totoo nga, kahit ang mga nagmahal sa iyo ay hindi ka nagawang ikulong. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-8-19-22-28-35-46.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bakit ka maduduwag? Ang tunay mong kalaban ay ang iyong sarili. Bakit mo lalabanan ang sarili mo kung mahal mo ito? Ibig sabihin, iniimbento mo lang ang iyong takot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-25-27-34-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page