Horoscope | Hulyo 16, 2023 (linggo)
- BULGAR
- Jul 16, 2023
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 16, 2023
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 16, 2023 (Linggo): Isinilang ka na may mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito sa pagpapaunlad.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Labanan mo ang mga negatibong pananaw na labas-masok sa iyong isipan. Kailangan mo ngayon maging positibo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-14-29-34-36.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Linisin mo ang iyong kapaligiran upang gumanda ang iyong buhay. Ito rin ay nagsasabing walisin mo ang listahan ng iyong mga kaibigan at tanggalin ang mga hindi tunay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-22-25-27-39-43-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon mo bigyang buhay ang mga naggagandahang ideya na noon mo pa iniingat-ingatan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-26-30-31-32-35.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong palakihin ang maliliit. Huwag mo ring maliitin ang iyong sarili. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-15-21-28-31-36.
LEO (July 23-Aug. 22) - Aangat ang iyong kabuhayan, huwag mong kalimutan ang mga tumulong sa iyo. Mas umuunlad ang buhay kapag ang tao ay hindi nakakalimot. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-18-20-28-32-39-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paramihin mo ang iyong mga hawak. Lakasan mo ang iyong loob dahil ito ang susi sa pagyaman. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-19-20-25-34-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) -Mula sa munting buto ang punong naglalakihan. Mali ang inaakala mong malaking puhunan agad ang kailangan mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-18-20-23-30-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manghiram ka at gamitin mo ito sa pagnenegosyo. Huwag kang tumulad sa iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-11-15-16-22-25.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nananariwa ang halaman kapag nadidiligan. Huwag mong hayaan ang inyong relasyon na manamlay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-22-25-28-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipagkuwentuhan ka sa mga taong nasa paligid mo. Sa pakikipagkuwentuhan, mapapansin mong may magbabago sa iyong pakiramdam. Sasaya at ang iniinda mong karamdaman ay maglalahong parang bula. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-9-15-16-24-28-30.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang masyadong seryoso sa mga ginagawa mo. Ito ang papaalala sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-16-28-31-38-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kahit kuwento lang ang pakinabangan mo sa isang tao, kailangan mo pa rin siya dahil kapag may kasama ka, makakagawa ka ng mga bagay na hindi mo nagagawa kapag nag-iisa ka lang. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-1-17-22-24-41-43.




Comments