Horoscope | Hulyo 16, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 16, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 16, 2022 (Sabado): Isinilang ka na may mayamang imahinasyon. Dahil dito, ang pagyaman ay tiyak na mapasasaiyo sa paggamit mo ng iyong imahinasyon.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maniwala sa mga nag-aalok ng malalaking kita, pero hindi ka mahihirapan. Marami na ang nadaya ng ganyang istilo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-13-20-29-33-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magpapatangay sa kagustuhan ng iba. Ang mas maganda ay sila ang tangayin mo. Hindi ka isang lagas na dahon na tinatangay-tangay lamang ng hangin. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-15-21-33-40-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Isip ang sundin mo at hindi ang bugso ng damdamin. May pagkakataon na ang dapat sundin ay emosyon, pero ngayon, ang payo ng kapalaran ay isip ang iyong gamitin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-14-22-28-32-44.
CANCER (June 21-July 22) - Magmumula sa mga kaibigan mo ang iyong magagandang kapalaran. Mas maganda kung makikipag-ugnayan ka sa mga nasa malayo at maging sa mga nasa malapit. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-11-20-29-34-48.
LEO (July 23-Aug. 22) - Bago kumilos, magplano ka. Nabibigo at nasasaktan ang mga walang plano sa buhay. Samantala, ang bahay na ginawa gamit ang plano ay maganda at matibay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-12-22-31-34-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong ipagdamot ang iyong magagandang ideya na nabuo sa pamamalagi mo sa bahay. Ito ang magsisilbing tulong mo sa iyong kapwa ngayong panahon na halos walang kinikita ang iba. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-1-9-18-27-33-39.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iwasan mong mag-isip ng mga problema. Mas magandang maghanap ka ng mapaglilibangan kahit nasa bahay ka lang. Ang pakikipagkuwentuhan ay makakatulong sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-14-23-31-39-47.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pahalagahan mo ang sarili mong kapakanan. Huwag kang tumulad sa iba na akala ay tama na unahin ang ibang tao kaysa sa sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-16-19-23-33-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Palakasin mo ang iyong katawan dahil kailangan mo ito. Kapag binigyan ng kalayaan ang mga tao, ikaw ay sobrang magiging abala sa pagnenegosyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-1-18-24-33-39-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang umasa sa iba. Pagkatapos ng pagbabawal lumabas ng bahay, gawin mo ang gusto mong gawin nang hindi mo kailangan ang tulong ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-17-26-35-39-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang mga kaganapan para sa iyo kapag puwede nang lumabas ng bahay dahil ikaw ay makikitang namamasyal, pero kumikita nang marami. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-22-31-39-49.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masayang ibinabalita ng iyong kapalaran na pagkatapos ng paglilimita sa paggalaw, ang kaban-yaman mo ay mas marami nang laman kaysa sa nakaraan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-16-25-34-42-47.




Comments