top of page
WINNER - MAGULANG NI VINCENT, GALIT NA GALIT NA ITINAGO SA KANILA ANG KASAL KAY BEA-FB Nan

Horoscope | Hulyo 15, 2026 (Miyerkules)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 10 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 15, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 15, 2026 (Miyerkules): Iisa lang ang kahahantungan ng iyong kapalaran, at ito ay ang maging maligaya at maganda ang iyong buhay.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakakagulat ang sinasabi ng mga bituin sa araw na ito: Ang mga hindi maganda ay makikitang nagsisiganda, at ang hindi magandang nararanasan mo ay gaganda na rin at lalo pang gaganda sa bawat araw na lumilipas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-10-23-26-29-37.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kakaibang ngiti ang makikita sa iyong mga labi dahil sa magagandang kapalaran na hindi mo naman talaga inaasahan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-18-25-28-30-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Marami ang namumuhunan para lang umasenso ang buhay, at marami rin ang nagsisikap upang gumanda ang kanilang kapalaran. Ngunit ikaw ay tila walang kahirap-hirap na tatanggap ng mga suwerteng mapapasaiyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-1-14-21-34-39-41.


CANCER (June 21-July 22) - Gaganda na ang takbo ng iyong buhay. Huwag mong sayangin ang mga biyayang darating dahil lamang sa sobrang tuwa. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-18-22-27-32-42.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi ka manghihinayang sa magagandang bagay na gagawin mo para sa iyong kapwa, dahil nakamasid sa iyo ang mata ng langit na handang bigyan ka ng sobra-sobrang biyaya. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-15-20-31-36-44.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagmamadali ang ilang suwerte na dumapo sa iyo. Ngunit ganito ang utos ng langit sa tagapagdala ng kapalaran: “Hanapin mo siya at bigyan ng mas marami pang suwerte at mga kasiyahang higit sa mga dati na niyang naranasan.” Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-19-26-29-35-38.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na, kahit sino ka pa at anuman ang iyong kalagayan, hindi na magbabago ang pasya ng langit na ang anumang kahilingan mo, kahit pa tila imposibleng mangyari ay pagbibigyan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-16-24-27-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Napakaliit ng pagkakataon para masingitan ka ng iyong mga karibal at kakumpitensya, samantalang napakaluwang naman ng pintuan upang maiwan mo sila nang milya-milya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-11-22-28-30-32.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nasa iyo pa ang pagkakataong umabante nang todo. Kaya ituloy mo lang ang hangarin mong lalo pang mapaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-12-20-23-31-45.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mapapahiya ang mga nag-aakala na dahil tahimik at mukha kang mahiyain ay kulang ka sa lakas ng loob upang gawin ang gusto mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-19-29-36-38-43.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magsabi ka para makuha mo ang gusto mo. Sa katunayan, kahit humiling ka nang humiling, hindi ka pa rin mabibigo. Sapagkat ang isa pang katotohanan, bawal kang malungkot ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-13-18-21-35-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Alamin mo kung ano ang kaya mo at huwag kang lalagpas sa iyong kakayahan. Dito ka magsimula, at makaaasa ka na daragdagan ng langit anumang kulang sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-22-32-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page