Horoscope | Hulyo 15, 2024 (Lunes)

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 15, 2024

Sa may kaarawan ngayong Hulyo 15, 2024 (Lunes): Nakakatuwa ang kapalaran dahil paulit-ulit na aayusin ng langit ang buhay mo, kahit magkamali ka pa ng paulit-ulit.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong pakinggan ang sinasabing huwag piliin ang maganda sa mga mata. Ang totoo, ito na mismo ang susi para magtuluy-tuloy ang iyong sigla at sigasig hanggang sa matagumpay ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-10-14-18-20-24.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ibinalik ng langit ang mga araw na ikaw ay masuwerte. Kaya ang nag-aakalang huminto na ang buwenas mo ay magugulat at walang magagawa kundi ang mamangha. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-11-15-21-28-34-38.
GEMINI (May 21-June 20) - Malaki ang posibilidad na mabihag ka. Gayunman, wala ka ring dapat ipag-alala dahil sanay ka namang tumakas sa sitwasyon na ikaw ay dehado. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-20-25-31-39-43.
CANCER (June 21-July 22) - Nagising ang malakas mong karisma. Magagamit mo ito sa panggagayuma at puwede ring magamit upang ikaw ay mabilis na umasenso. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-11-16-33-41-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang mga makalumang aral sa buhay. Ito ang magliligtas sa iyo sa banta ng maling pakikipagrelasyon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-18-26-37-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hindi mo alam, pero marami ang humahanga sa iyo dahil sa talas ng isip mo. Marami sa kanila ay gusto kang maging bahagi ng kanilang buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-25-28-30-35-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito at ang ilang mga araw na darating. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-16-21-34-36-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibalik mo ang dating pormula na ginamit mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-10-14-27-31-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kaya mong ibigay, ‘yun lang dapat ang ibigay mo. Hindi dapat maulit ang dati na maliit lang ang kailangan, pero malaki ang iyong ibinibigay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-17-29-33-37-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahina ka ngayon dahil mabilis kang magkakagusto. Puwede ka namang lumakas sa pamamagitan ng huwag na huwag mong agad ipahalata ang laman ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-13-22-27-35-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatuwa ang kapalaran mo dahil naniniwala ang may gusto sa iyo na ikaw ay seryoso. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-19-23-25-38-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumayo ka muna sa mga taong makukulit, dahil sa huli pipiliin mo pa rin ang malayang buhay na kung saan hindi ka nila maaalipin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-17-24-27-39-41.



Comments