Horoscope | Hulyo 14, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 14, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 14, 2022 (Huwebes): Sabi nila, parang hindi ka na nag-iisip. Pero ang hindi nila alam, mabilis na gumagana ang iyong isip, kaya mabilis mo ring nakukuha ang pinakamagandang hakbang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mag-aalinlangan dahil kung pag-aaralan mo ang iyong mga nakaraan, kapag nag-aalinlangan ka ay nauunahan ka lang ng iba. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-18-29-30-34-47.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Higit kaninuman, magtiwala ka sa iyong sarili. Ikaw ang nakakaalam kung ano ang makabubuti sa iyong buhay. Huwag mong hayaan na iba ang magpasya para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-17-20-26-41-43.
GEMINI (May 21-June 20) - Darating ang mga suwerte mo sa paraang hindi mo gusto. Langit mismo ang nakakaalam kung ano ang dapat mong pagdaanan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-17-21-26-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong patayin ang ningas ng iyong sigasig. Kumikilos ang mundo sa pagpapalitan ng gabi at araw. Ang sikreto ng buhay, sa dilim ipinapanganak ang liwanag. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-11-18-24-29-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung natalo ka, ayos lang. Dito sa mundo, may natatalo at nananalo. Ngunit ang panalo ay mapasasaiyo pagkatapos mong madehado. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-19-25-28-33-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bawat hakbang, dagdagan mo ng isa. Sa ganitong paraan, maiiwanan mo ang iyong mga kakumpitensya. Huwag kang makuntento sa mga suwerteng sumasaiyo sa kasalukuyan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-20-21-24-37-40-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Marami ang dikit nang dikit sa iyo, pero pabigat lang sa buhay mo. Kaya lang, may sayang hatid ang ilan sa kanila, kaya hindi mo basta-basta dapat layuan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-11-16-22-26-32.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibahagi mo sa malapit sa iyo ang biglang pumasok sa isip mo na paraan para buwenasin ka. Sa ganitong paraan, hindi ka man makipagsapalaran, makakahawak ka ng panalo at napakalaking halaga. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-17-21-24-30-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Matagal na pag-aaralan kung paano susuwertehin ang isang tao. Ngunit ang sa iyo ay kakaiba dahil nasa itaas mismo ang magbibigay sa iyo ng suwerte. Kaya ngayon at sa susunod pang mga araw, ibubuhos sa harapan mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-21-28-38-40-44-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang ayaw makipagsapalaran, nasa kanya ang suwerte. Sino siya? Walang iba kundi ikaw. Simpleng dumikit ka sa kung sino ang gusto mong buwenasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-19-20-24-27-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kasing bilis ng maharot na hangin ang biglaang pagpasok sa isip mo kung ano ang mananalo. Kung hindi mo rin bibilisan ang pagkilos, manghihinayang at magsisisi ka sa huli. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-29-30-31-38-40-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo na kailangan pang mag-ubos ng mahabang oras sa pag-alam kung ano ang gagawin. Kung ano ang unang pumasok sa isip mo, ‘yun na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-14-16-22-27-34.




Comments