top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Hulyo 13, 2023 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jul 13, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | July 13, 2023


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 13, 2023 (Huwebes): May naghihintay sa iyo na tagumpay, kaya walang dahilan para mawalan ka ng pag-asa.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na inilaan at ginawa para sa iyo. Mag wish at manalangin ka, kung ano ang iyong hilingin, tiyak na matutupad at magkakatotoo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto- 9-10-23-39-40-42,


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka dapat panghinaan ng loob. Kung ang iba ay kanilang mga kaibigan at mahal sa buhay ang umaalalay. Ang sa iyo ay kakaiba, dahil ang kamay ng langit mismo ang aalalay sa iyo. Kaya magpatuloy ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-29-30-34-41.


GEMINI (May 21-June 20) - Matapos na mawala ang iyong takot sa mga imbentong multo sa buhay mo. Ika’y mahaharap sa bagong mundo na kung saan mas gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-7-10-26-38-39-44.


CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang papagamit, dahil hindi ka isang kasangkapan. Mas magandang ikaw ang manggamit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-26-38-40-44.


LEO (July 23-Aug. 22) - Hindi hadlang ang pagsubok. Sa katunayan, ito mismo ang magpapalakas sa iyo na kung saan magkakaroon ka ng pagkakataong makamit ang iyong ambisyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-17-28-36-38-40.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Limitahan mo ang iyong pagkilos. Kumilos ka lang ayon sa kagustuhan mong umasenso. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-18-29-35-37-45.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ito ang araw na inuutusan ka ng langit na magpaganda. Oo, magpaganda, maligo, magpahaba ng buhok, mag-ayos, at magpabango ka, dahil ngayon mo makikita na susuwertehin at kusa na ring gaganda ang iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-15-20-21-25-35.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang hihinto sa pagpapaganda ng iyong kinabukasan. Ang hindi tumitigil ay mas maagang nakukuha ang kanilang mga pangarap. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-18-22-25-34-37.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Pakinggan mo ang mga mungkahi ng mga nasa paligid mo, dahil sa pakikinig sa kanila may makukuha kang magagandang ideya na iyong magagamit. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-17-22-25-36-46.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sumunod ka habang wala ka pang kakayahan. Sa huli, ikaw na ang mismong susundin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-20-25-36-41.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pagbibintangan ka na ikaw ay hindi seryoso. Ang nagbibintang sa iyo ay mananatili pa rin sa buhay mo at siya ay nakakaawang dahil siya pa mismo ang namomroblema sa mga suliraning inyong kinahaharap. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-17-23-26-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kailangan mo ng may makakatuwang. Hindi puwede na mag-isa ka lang sa ang mga hamon ng iyong kapalaran. Muli, kailangan mo ng katuwang sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-18-20-25-34-38.



Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page