top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 12, 2022 (Martes)

BULGAR
Jul 12, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 12, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 12, 2022 (Martes): Mula sa ibaba, itataas ka ng iyong kapalaran dahil ikaw ay para sa matataas na puwesto. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nasa harapan mo na ang oportunidad na mag-aangat sa iyo sa napakataas na antas ng pagpapayaman. Huwag mo itong sayangin, bagkus ay sunggaban mo agad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-1-18-20-24-26-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Papaboran ka ngayon ng nakatataas. Hindi ka Niya tatanggihan sa iyong kahilingan. Gayunman, lakas ng loob ang iyong kailangan para masabi mo ang anumang gusto mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-22-25-29-30-31.


GEMINI (May 21-June 20) - Makakatulong ang iyong mga kaibigan para maisagawa mo ang iyong mga plano na magdadala sa iyo sa dulo ng malalaki mong pangarap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-11-18-23-39-42.


CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka dapat matalo ng mga negatibong pangyayari. Ang magagandang bagay ay magsisimula nang mapasaiyo kapag isinabuhay mo ang positibong pag-iisip at pagkilos. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-19-25-27-40-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Sa araw na ito, nagalit ang nasa itaas. Ibabagsak ng langit ang mga taong gustong magpabagsak sa iyo. Kabiguan ang kanilang mapapala dahil mas aangat at uunlad ka pa. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-16-21-29-34-38.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang hihinto, bagkus ay ituloy mo ang mga sinimulan mong pagkilos na magpapaganda sa buhay mo. Nakaalalay sa iyo ang langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-6-14-15-30-32.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kikilos ang kapalaran mo nang labag sa iyong kalooban dahil pilit mong dinadaya ang sarili mo sa mga maling paniniwala na hindi naman nakakabuti sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-22-25-28-35-37.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magpapatuloy ang pagganda ng buhay mo. Hindi papayag ang langit na mabigo ka at pagtawanan ng mga lihim mong kaaway. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-19-23-26-34-39.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Iyung-iyo ang araw na ito. Anuman ang maging kahilingan mo sa langit, kahit may pagkaimposible ay matutupad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-16-22-25-28-30-31.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mawawala sa landas ng buhay na iyong tinatahak ang mga hadlang sa iyong pangarap. Makakaasa ka na mabilis mong magagawa ang iyong mga kagustuhan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-17-22-28-33-35.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis na pagbabago ng desisyon ang mapasasaiyo. Wala kang dapat ipag-alala dahil mas tama at ikagaganda ng buhay mo ang iyong magiging pasya. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-21-24-28.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Suwerte ka ngayon. Sa harapan mo mismo mahuhulog ang mga biyaya mula sa langit dahil sa nakitang kakaibang kabutihan mo sa kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-navy blue. Tips sa lotto-16-22-23-39-40-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page