Horoscope | Hulyo 11, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 11, 2022
Sa may kaarawan ngayong Hulyo 11, 2022 (Lunes): Malalaking tagumpay ang nakalaan sa iyo sa bawat laban na hindi mo uurungan. Makakaasa ka na ang langit ay palaging nakaalalay sa iyo at nakahanda na damayan ka.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kinakalawang ang bakal. Ibig sabihin, sa mundo, walang matigas na bagay at ang lahat ay may kahinaan. Samantalahin mo ang panahon ngayon na ikaw ay papaasenso pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-24-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tapusin mo ang dapat tapusin dahil ang mga bagong suwerte ay hindi basta-basta dumadapo sa mga may kailangan pang tapusin. Ito ang mensahe ng kapalaran mo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-14-23-39-40-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakukuha ng mapagpilit ang kanyang gusto, habang walang napapala ang hindi seryoso. Ipakita mo na talagang gusto mo ang isang bagay at makakaasa ka na mapasasakamay mo ito. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-18-24-27-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Gumawa ka ng maganda at aani ka ng maganda. Magtanim ka ng sama ng loob, ang aanihin mo ay ganundin. Ito ang gawin mong gabay sa bawat pagkilos mo dahil maaayos at mapapaganda ang kapalaran mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-14-15-27-31-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kahit hindi mo gusto ang ugali ng isang tao, tulungan mo. Dahil ang misyon mo ngayon ay tumulong sa kahit na sino. Nakahanda na ang malalaking biyaya sa iyo na ibibigay ng langit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-20-25-26-31-36-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mong tapatan ng galit ang galit. Isabuhay mo kahit sobrang hirap yakapin ang sinasabi na ang pag-ibig ay katapat ng galit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-22-24-28-39-41.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Bakit ka titingin sa mga hindi maganda? Kaya tingnan mo ang lahat nang may ganda sa iyong mga mata. Malalim ang mga salitang ito, pero ito rin ang magpapaganda sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-17-24-27-30-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Lahat ay may pangangailangan. Dito sa mundo, walang kumpleto sa buhay ng tao. Tanggapin mo ang katotohanang ito ay matutuklasan gamit ang katiwasayan ng isipan. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-12-16-20-25-27-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi hinahanap ng langit ang walang kakayahang tumulong sa kapwa, pero ang inaasahan ng langit ay ang may kakayahang tumulong. Tumulong ka dahil may kakayahan ka. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-14-21-29-30-38-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Muli, ipinaaalala sa iyo na ang lahat ay kailangan ng pahinga, hindi lang sa katawan kundi maging sa isipan. Makakapagpahinga ka kapag namasyal ka sa magagandang tanawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-25-28-31-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hayaan mo na ang pumasan sa iyong mga kailangan ay ang nagmamahal sa iyo. Bakit? Dahil ito ang pangako niya sa kanyang sarili na maaaring inilihim muna sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-7-11-19-27-39-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kunsintihin mo ang iyong sarili ngayon at makakadama ka ng kakaibang saya. Ang kakaibang saya na ito ang magtutulak sa iyo upang lalo kang magsikap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-19-23-28-33-36.




Comments