top of page
Search
  • BULGAR

Horoscope | Hulyo 10, 2022 (Linggo)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 10, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 10, 2022 (Linggo): Mapalad ka dahil ang langit ay palaging handang umalalay sa iyo. Binabantayan ka rin Niya laban sa mga taong naghahangad na masaktan at mabigo ka.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kumilos ka na parang wala kang mabibigat na problema. Sa positibong pagkilos, ang takbo ng buhay ay gaganda at maaayos na mawawala ang mga hindi kanais-nais na pangyayari. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-11-18-20-24-26-32.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Mainit ang sikat ng Haring Araw, pero ito ay nagbibigay ng sigla sa nananamalay na buhay. Init ang kailangan mo, ibig sabihin, ikilos mo ang iyong katawan nang ikaw ay sumigla. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-26-21-23-37-38.

GEMINI (May 21-June 20) - Sumugal ka at ikaw ay mananalo. Ang totoo, parang alam mo rin naman na ang buhay ay isang sugal kung saan kailangang makipagsapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-22-27-39-40.

CANCER (June 21-July 22) - Nasasalat ang tubig, pero hindi nahahawakan. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na nadadama ng iyong damdamin, pero hindi ka puwedeng magpaalipin at hindi ka rin puwedeng pigilan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-14-21-25-32-37-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ikaw ang masusunod ngayon, kaya mag-utos ka. Pero puwede ring makisakay ka lang sa kagustuhan ng karamihan. Ito ay mangyayari dahil na rin sa iyong kagustuhan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-24-26-39-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iwasan mong maglibang dahil sa gumagandang takbo ng negosyo. Sa mundo ng pagnenegosyo, ang negosyante ay dapat palaging nakaalerto. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-23-25-27-34.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kapag malakas ang puwersa sa loob, nawawasak ang isang bagay. Ingatan mo ang iyong kalusugan at ang sama ng loob ay huwag mong kimkimin. Ihayag mo ito sa isang matalik na kaibigan upang lumuwag ang iyong damdamin. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-10-11-14-27-30-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iniisip mong ikaw ay mahina at baka maniwala ang sarili mo. Mas maganda na ang isipin mo ay malakas ka at kapag naniwala ang iyong sarili, matatalo mo ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-12-21-25-33-36.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sasaluduhan ka ng marami dahil mareresolba mo ang malaking problema sa kabila ng pananahimik mo, kung saan parang hindi ka nakikialam pero ikaw pala ang naging solusyon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-15-22-26-37-39-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kailangang akyatin ang matamis na bunga. Hindi ka puwedeng maghintay na mahulog sa harapan mo ang iyong gusto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-19-20-28-37-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang magtiwala agad sa bagong kakilala. Nagkamali ka na minsan at hindi na ito dapat maulit. Huwag mong kalimutan na panahon ang nagsasabi kung sino at ano ang isang tao. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-21-23-25-37-40.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumapit ka sa mga aral na natutunan mo sa nakaraan. May mga bagong pananaw na mabuti, pero hindi alam ng iba na ito ay wala pang katuparan. Ikilos mo ang iyong pananaw at ito ay magbubunga ng kasaganaan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-16-18-22-23-35-37.


Recent Posts

See All

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page