top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | Hulyo 1, 2022 (Biyernes)

BULGAR
Jul 1, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| Hulyo 1, 2022


Sa may kaarawan ngayong Hulyo 1, 2022 (Biyernes): Mas marami kang dapat ipagpasalamat sa langit. Ang iba ay parang pinagdadamutan ng kapalaran, pero patuloy ang pagdating sa iyo ng magagandang kapalaran at oportunidad.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Sisingit sa kapalaran mo ang masasayang pangyayari na puwede mong sakyan para masimulan muli ang paghahanap ng tamang landas para sa iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-29-30-34-39-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbabalita ang araw na ito na ang magagandang bagay ay magdaratingan sa iyong buhay. Bilang paghahanda, makabubuti na mabuhay ka nang positibo at nakatanaw sa magagandang pangyayari. Masuwerteng kulay-old rose. Tips sa lotto-12-20-21-23-38-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Bilisan mo at huwag kang babagal-bagal. Tapos na ang panahon para sa pagpaplano. Higit kailanman, mabilis na pagkilos ang iyong kailangan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-metallic blue. Tips sa lotto-17-22-26-30-33-36.

CANCER (June 21-July 22) - Nakakasilaw ang nabubuhay sa saya. Kadalasan, nakakalimutan ang mahalagang bagay tulad ng paghahanda para sa magandang kinabukasan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-baby pink. Tips sa lotto-19-28-31-38-40-43.

LEO (July 23-Aug. 22) - Umaayon sa mga plano mo ang langit. Ngayon na ang hinihintay mong pagkakataon para mas mapaganda pa ang iyong buhay, kaya huwag mo itong sayangin. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-11-14-16-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kahit kailan, ang tama ay tama at ang mali, kahit pa paikot-ikutin ang katwiran ay mananatiling mali. Nasa tama ka ngayon, gayunman, mas mabuting hindi ka na makipagtalo. Masuwerteng kulay-orange. Tips sa lotto-10-19-25-28-38-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung sino ang masaya, sa kanya ka sumama. Sabagay, bakit ka nga ba didikit sa matamlay? Hindi lang sakit ang nakakahawa dahil ang lungkot ay ganundin. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-14-23-27-30-32-35.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pansinin ang mga magtatangkang pabagsakin ka. Langit mismo ang magbibigay sa kanila ng masaklap at nakahihiyang kabiguan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-maroon. Tips sa lotto-12-18-24-28-36-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung ano ang kaya mo, ‘yun lang ang ibigay mo. Hindi maganda na hindi mo naman kaya, pero ibinibigay mo pa. Muli, kung ano lang ang kaya mo, ‘yun lang ang iyong ibigay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-20-26-38-40-44.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umaasenso ang tao kapag hindi siya nagsasawang magsikap. Ang ayaw nang kumilos ay aatras ang kalagayan. Ikonsidera mo ang muling pagbubukas ng negosyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-25-27-30-31-38.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahiwaga ang buhay sa mundo. Makikita mo na ang lahat ay may inaalayan o pinaglalaanan ng kanilang tagumpay. Hindi puwedeng nag-iisa ka habambuhay. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-15-21-29-34-36-41.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag masaya ka, sasaya rin ang iyong kapaligiran. Inuutusan ka ng langit na magsaya kahit kunwari dahil darating ang magagandang kapalaran na ikakasaya ng lahat. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-10-13-15-22-26-34.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page