top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 28, 2022 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 28, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 28, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 28, 2022 (Lunes): Nagbababala ang kapalaran mo na maaari kang matawag na tamad. Ang dahilan at nangyayari ay nagsasabing ikaw ay palaging binubuwenas kaya halos ayaw mong magsikap.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nagbubunga ang mga pagsisikap mo at may mga dumarating pang suwerte sa iyo na hindi mo gaanong pinaghirapan. Magpasalamat ka palagi sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-20-24-33-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nakatutuwa ang iyong kapalaran dahil ang mga kaaway mo ay isa-isang susuko sa iyo. Pero ang higit na masaya at nakakamanghang balita ay nagdaratingan na rin ang mga bagong magmamahal sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-18-20-26-34-45.

GEMINI (May 21-June 20) - Lihim kang sinusubaybayan ng may interes sa iyo. Ang hindi niya alam, ang lihim ng iyong kapalaran ay, ang sinumang gustong arukin ka ay tiyak na iyong mabibihag. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-13-14-22-25-31.

CANCER (June 21-July 22) - Umiyak ka kung kailangan. Magsaya ka kung dapat kang magsaya. Kumilos ka depende sa sitwasyon mo ngayon, ito ang tunay na magbibigay sa iyo ng kaginhawahan, pag-unlad at kaligayahan sa buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-11-27-31-36-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ipakita mo ang tunay mong pagkatao kung saan dapat kang masunod. Ang sinumang sasalungat sa iyong mga kagustuhan ay tiyak na aani ng hindi magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-19-28-30-31-45.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hayaan mo lang na makaporma ang mga kontrabida sa buhay mo. Sa huli, malalaman nila na anuman ang kanilang gawin ay bigo pa rin sila. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-8-10-15-26-34-41.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpapagamit kahit kanino. Ang numero-unong dahilan ng masaklap na kabiguan ay pinayagan ang sarili na gamitin lang ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-24-33-34-44.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magbawas ka ng mga kaibigan. Unahin mo ‘yung alam mong pahihirapan ka lang dahil idadamay ka sa kanilang mga problema. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-24-39-40-42.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Unahin mong tapusin ang madaling matapos at saka mo isunod ang mahirap tapusin. Dahil sa araw na ito, ang kailangan mo ay may matapos na mga gawain. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-14-18-21-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magsakripisyo ka, pero kailangan mong malaman na hindi tama na magsasakripisyo ka pero wala kang mapapala. Gawin mo itong gabay habang ikaw ay nabubuhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-18-20-25-33-38.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Nakakatawa ang nagbigay sa iyo ng kalungkutan dahil ang hindi niya alam, mabilis kang makakatakas ka sa malungkot na buhay at siya naman ang hahagilapin ng iba’t ibang problema na maglulugmok sa kanya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-21-25-30-34.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palayain mo ang iyong sarili sa mga negatibong puwersa na umaalipin sa iyo. Hindi ka isinilang na alipin, ikaw ay panginoon ng iyong sariling buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-12-26-28-33-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page