top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 25, 2022 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 25, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 25, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 25, 2022 (Biyernes): Malayo ang iyong mararating, kaya maraming bansa ang iyong mapupuntahan. Ito ay nagsasabing magkakaroon ka rin ng matagumpay na buhay.



ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Muli kang pinagkalooban ng mayamang imahinasyon. Gamitin mo ito sa makabuluhang layunin mo sa buhay at ang isa pang payo ay huwag mong gamitin sa mga walang kuwentang bagay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-23-29-30-41.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagbababala ang araw na ito at ang mga susunod na araw na may magtatangkang maisahan ka. Dahil dito, ibayong pag-iingat pa ang iyong kailangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-10-14-29-35-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Muling nauulit ang pandaraya, kaya layuan mo agad ang nandaya sa iyo. Hindi ka puwedeng makipaglaro sa kapalaran dahil totoo na ang pagdaraya ay nauulit. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-18-21-25-30-37-44.

CANCER (June 21-July 22) - Itago mo ang iyong damdamin. Hindi puwedeng mahalata ang laman ng iyong puso dahil wala pa sa tamang panahon para ihayag mo ang iyong nadarama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-3-10-14-29-30-33.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung mamamasyal ka, dapat may kasama ka. Hindi maganda ang nag-iisa. Ang ganda ng mga tanawin ay pumapangit kapag walang kasama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-19-20-24-30-35.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kumikislap nang muli ang iyong kapalaran. Marami na naman ang masisilaw sa kislap ng iyong magandang kapalaran. Iwasan mong magkasala sa mga taong maaakit sa kislap ng iyong buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-20-24-28-35-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maglilitawan ang mga may hindi mabuting motibo laban sa iyo, ngunit sila ay nagkukubli sa damit na puti. Kung hindi ka mag-iingat, maaari kang masaktan at sa huli ay iiyak ka na lang. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-23-39-40-36.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Namahinga ang mga lihim mong kaaway, pero hindi ka puwedeng makampante. Mas maganda na palagi kang alerto at nakahanda sa anumang oras. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-14-23-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit pakitaan ka ng hindi maganda, pakitaan mo pa rin siya ng maganda. Sa huli, magbabago na siya at ikaw ang pakikitaan niya ng maganda at higit pa rito ang ipakikita niya. Ito ay lihim ng karma. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-13-19-22-26-34.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Gawin mo ‘pag kaya mo. Kapag hindi mo naman kaya, huwag mong pilitin. Hindi makabubuti na pilitin ang iyong sarili para mapagbigyan ang isang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-11-15-24-31-32.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Malakas ang dating ng mga kilos mo, pero mas malakas ang dating ng boses mo ngayong napakalakas ng iyong likas na gayuma. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-25-27-35-39-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Huwag kang magbabago. Huwag mong papalitan ang paniniwala mo, sapagkat ngayon ay nasa tamang direksiyon ka habang naglalakbay sa landas ng iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-7-18-25-39-42.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page