Horoscope | February 24, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 24, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 24, 2022 (Huwebes): Napabibilang ka sa may malalakas na karisma, kung saan madalas ay sinasabi ng napalapit sa iyo na sila ay nagayuma mo. Dapat isipin mo kung paano mo ito mapakikinabangan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Nakasisira ng ganda ang inis at galit. Ito rin ay hindi maganda sa taong papaunlad na tulad mo. Kailangang makontrol mo ang iyong pagkainis sa mga nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-19-20-38-39-40-45.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magplano ka dahil malabong mabigo ang marunong magplano. Dapat mong malaman na hindi nakukuha sa biglaan ang malalaking pangarap ng tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-17-24-27-34-36.
GEMINI (May 21-June 20) - Nakakatuwa ang takbo ng iyong kapalaran, bigla kang susuwertehin ngunit humihinto rin ito. Mananatili ang dati mong mga suwerte. Ang maganda pa rito, mas maraming suwerte ang ibibigay sa iyo ng langit. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-1-16-20-24-31-39.
CANCER (June 21-July 22) - Kakapit sa iyo nang todo ang nagsasabing ikaw ang kanyang suwerte. Ang hindi niya alam, gaganda ang kapalaran mo dahil sa kanya. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-13-29-30-43-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mag-ingat ka. Napaliligiran ka ng mga tukso at sa pagkakataong ito, sa biglang tingin ay mas malakas ang mga ito kaysa sa nakaraang tukso na iyong tinalo. Muli, mag-ingat ka. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-14-18-24-27-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sumasarap ang luto kapag ang nagluluto ay masaya. Ganundin sa buhay, sumasarap ang tagumpay ‘pag ang nagsisikap ay masaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-7-10-15-24-30-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hawakan mo nang mabuti ang nasa iyo na. Gawin mo ito at matutuwa ang langit at pagkakalooban ka ng mga biyaya dahil mapagpahalaga ka sa suwerteng iniregalo sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-14-15-21-26-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang magpapahuli. Ang mas maganda ay umagwat ka nang milya-milya sa iyong mga kakumpitensiya, kaya ang payo ay hindi ka dapat makuntento. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-18-26-27-36-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mabilis ang pag-asenso ng mga taong hindi lumilingon sa mga pangit na karanasan, lalo na kung lungkot at sama ng loob lang ang madarama kapag ito ay naaalala. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-11-19-24-25-34.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magpapadala sa iyong emosyon at huwag mong isipin na ito ay para lang sa biglaang galit. Ito ay para rin sa biglaang pagkakagusto sa isang tao. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-12-18-20-24-33-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang mabibigla, ang mga ngiti mo ngayon ay napakalakas na gayuma kung saan sukdulang maaakit sa iyo ang lahat at kahit ang mga walang karapatan. Piliin mo ang iyong ngingitian. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-11-16-20-25-30-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ngayon at sa mga araw pang darating ay pag-ibig para sa iyo. Malakas ang puwersa ng pag-ibig dahil hindi ka masisisi kung ikaw ay umiibig. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-28-31-39-42.




Comments