Horoscope | February 22, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 22, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 22, 2022 (Martes): Huwag mong sayangin ang mga araw mo sa pakikipaglaban sa mga walang kuwentang bagay. Sa halip, labanan mo ang mga hamon ng kapalaran na mag-aangat sa iyong buhay patungo sa pag-unlad at kasaganaan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Lihim na tuloy-tuloy mong paunlarin ang iyong kabuhayan. Huwag kang tumulad sa mga ibinabandera ang kanilang malalaking kinikita at ipinagyayabang ang mga materyal na bagay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Wala nang sasarap pa sa banayad na simoy ng malamig na hangin. Ibig sabihin para sa iyo, bawasan mo ang pagiging agresibo. Ito ang mensahe ngayong araw. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-13-28-30-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Nalalanta ang mga bulaklak. Dito sa mundo, lahat ay may katapusan, kaya natatapos din ang araw ng hindi magagandang pangyayari. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-17-20-22-26-35.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag mong pansinin ang mga salitang masakit sa tainga, lalo na kung ito ay nagmumula sa bibig ng nagmamahal sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-11-12-19-39-44.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ito ang araw na nagpasya ang nasa itaas. Ang unang pasya ay bigyan ka ng magagandang kapalaran. Kaakibat nito ang pagdating ng mas marami pang suwerte nang hindi mo inaasahan. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-18-21-26-35-38-40.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Naaagapan ng mabagal ang panganib na nag-aabang at hindi ito nakikita ng mga mabilis. Mas magandang isabuhay mo ang dahan-dahang pag-asenso. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-29-31-32-37-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inspirasyon ang nagpapakilos sa umuunlad ang buhay. Ang walang inspirasyon ay wala ring kabuhay-buhay. Kung saan ka masaya, roon ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-23-34-35-38-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pahirapan ang iyong kalooban sa mga pagkakamali ng iba na pinalalaki mo lang. Dapat hindi mo na pinapansin ang nagbibigay ng sama ng loob. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-18-27-31-42-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sukatin mo ang kakayahan ng tutulong sa iyo. Kapag hindi gaanong kalakasan, huwag mo nang asahan na kakayanin niya ang malalaking obligasyon. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-15-16-20-21-25-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ngayon mo pahalagahan ang iyong kinabukasan. Huwag kang tumulad sa nabubuhay lang sa kasalukuyan. Sa huli, ang panghihinayang ay mapasasakanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-22-26-39-40-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Alalahanin mo na ang nagbigay sa iyo ng sakit ng damdamin ay maaaring pasakitin muli ang iyong puso. Hindi dapat balikan pa ang mga taong posibleng problema lang ang dala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-19-21-28-32-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Palakihin mo ang maliliit na suwerte. Tiyak na matutulad ito sa isang punong mayabong. Alalahanin mo na munting buto ang pinagmulan ng napakalaking punong-kahoy. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-19-20-25-26-35-38.




Comments