Horoscope | February 21, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 21, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 21, 2022 (Lunes): Hahawak ka ng matataas na puwesto. Panatiliin mong nakasayad ang iyong mga sa lupa nang patuloy na umangat ang iyong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hawakan mo nang mahigpit ang nasa iyo na. Hindi mo kailangang sayangin ang mga nasa sa kamay mo na. Ang pagpapayaman ay hindi palaging nakukuha sa pakikipagsapalaran. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-8-10-24-39-45-46.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang humingi ng tulong. Pero piliin mo ang lalapitan mo na dapat ay hindi pagsasamantalahan ang ibibigay sa iyong tulong. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-15-20-21-25-37.
GEMINI (May 21-June 20) - Dagdagan mo pa ang mga pangarap mo. Hindi dapat huminto ang tao dahil marami na siyang nagawa sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-4-12-15-29-30-35.
CANCER (June 21-July 22) - Tanggapin mo ang magagandang bagay mula sa isang may pagtingin sa iyo. Hindi masama na mapasaiyo ang premyo na inialay sa iyo dahil sinuwerte siya dahil sa ‘yo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-13-17-22-28-33.
LEO (July 23-Aug. 22) - Gagamitin ka ng langit para bigyang-saya ang mga nangangailangan. Huwag mo silang pagdamutan, pero ang mga mayroon na at mayayabang, sila ang iyong pagdamutan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-11-18-21-24-25.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Iaangat ka ng iyong likas na talino at ibabagsak ka naman ng mga negatibong pananaw na labas-pasok sa iyong isipan. Alam mo na dapat ang iyong gagawin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-20-25-34-46.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Maaaring mahirap mong maunawaan, pero ang payo sa iyo ay huwag kang magpapagamit at dapat ikaw ang manggagamit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-14-17-20-24-28-30.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naaantala lang ang iyong hinihintay. Wala kang dapat ipag-alala dahil sa batas ng kapalaran, ang para sa iyo ay para talaga sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-26-28-33-37-40.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Masuwerte ka ngayon. Sino naman ang mamalasin? Sino pa nga ba kundi ang mga taong walang hinangad kundi ikaw ay mabigo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-17-21-27-32-39.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Umasta kang masaya. Mawawala sa konsentrasyon ang mga naiinggit sa iyo at ang mga lihim na kaaway mo ay isa-isa nang panghihinaan ng loob. Sa halip na ikaw ang malungkot, sila ang sobrang malulungkot. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-16-10-21-24-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag kang malito. Ang kapalaran sa araw na ito ay nagsasabing, higit sa isa ang handang alayan ka ng masarap na buhay. Tanggapin mo at huwag mong ayawan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-25-26-38-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Magtiwala ka sa iyong kakayahan. Sa araw na ito, ang mga kagustuhan mo ay isa-isang magkakaroon ng linaw. Muli, magtiwala ka sa iyong kakayahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-15-19-24-35.




Comments