Horoscope | February 19, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 19, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 19, 2022 (Sabado): Mapalad ka dahil hindi ka pababayaan ng iyong kapalaran. Pansamantala lang ang pananatili mo sa hindi gaanong magandang kalagayan, pero bukas-makalawa, malalaking biyaya at puro suwerte na ang darating sa iyong harapan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Suwerte ka ngayon at ang suwerte mo ay puwedeng magsilbing binhi na mamumunga ng marami pang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-29-30-33-37-41.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Sasaya ka kahit niyayakap mo ang lungkot. Sa huli, ang kalungkutan ay aalisin sa iyo ng langit at papalitan ng masasayang kaganapan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-21-24-32.
GEMINI (May 21-June 20) - Kumilos ka na parang napasaiyo na ang gusto mo. At higit na mahalaga, magsaya ka dahil napasakamay mo ang iyong hinangad. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-9-13-18-20-24-33.
CANCER (June 21-July 22) - Muli, ibinalik sa iyo ang araw na ikaw ay buwenas. Walang sinuman ang puwedeng humadlang sa pagdating sa iyo ng magagandang kapalaran. Magpasalamat ka sa nasa itaas. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-28-30-31-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Para sa iyo ang araw na ito. Magagawa mo ang anumang nais mo. Ang sinumang magtangka na sirain ang diskarte mo ay kakalabanin ng langit. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-14-16-25-28-36.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng harot ang iyong buhay. Mahirap maunawaan na sa buhay ng tao, may isang mahalagang kailangan at ito ay ang pangitiin ng kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-23-31-38-44.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Ihaharap sa iyo ng langit ang isang puwedeng magpasaya sa buhay mo. Pero kung sasabihin mo sa iyong isip na masaya ka naman, mawawala na rin siya. Dapat maging tapat ka sa iyong sarili. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-4-11-12-29-30-37.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Iwasan mong magsuot ng luma kahit nasa bahay ka lang. Sa halip, bagong damit ang piliin mo dahil ito ang iyong pinakamalakas na pampabuwenas. Muli, huwag kang magsuot ng luma. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-14-15-26-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Naaantala ang tuwa mo dahil hindi ka agad napagbigyan. Huwag kang magtampo dahil makukuha mo pa rin ang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-18-20-21-24-33-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung sino ang nasa malapit, sila ang aalalay sa iyo. Ang mga nasa malayo ay paasa lang. Pagbigyan ka man nila, hihingi sila ng kapalit sa mga bagay na pinagbigyan ka. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-22-26-31-32-38
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit mag-isa ka, magsaya ka dahil dati mo na itong ginagawa. At ‘pag naging masaya ka, magsisimula muling maglapitan sa buhay mo ang magagandang bagay. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-15-16-25-29-33-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lumabas ka ng bahay kahit sandali lang. Mahirap paniwalaan, pero kapag ginawa ito, may suwerteng darating sa buhay mo. Kaya muli, malinaw ang bilin, lumabas ka ng bahay kahit ilang sandali lang. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-19-20-25-36-43.




Comments