top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 18, 2022 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 18, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 18, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 18, 2022 (Biyernes): Maraming panalo ang para sa iyo. Ito ay makukuha mo kapag hinarap mo ang mga hamon ng kapalaran, kaya huwag mong aatrasan ang anumang mga pagsubok at problema.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Hinihintay na ng langit ang iyong kahilingan. Magsabi ka ng kahit ano dahil kahit may pagkaimposible, ito ay matutupad at magkakatotoo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-18-20-26-39-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Dumikit ka sa malalakas ang loob nang sa gayun ay lumakas din ang loob mo. Umiwas ka sa mahihina dahil puwede ka nilang mahawahan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-12-24-27-33-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit alam mo na ang dapat mong gawin, magdahan-dahan ka pa rin. Sa pagiging marahan, tiyak na makakapagpahinga ang iyong katawan at isipan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-3-18-24-38-40-41.

CANCER (June 21-July 22) - Kontrolin mo ang iyong sarili. Sa panahong ito, lumalakas ang loob mo, kung saan puwede mong akalain na kaya mong makuha ang anumang gusto mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-21-27-31-38-41.

LEO (July 23-Aug. 22) - Magparaya ka. Ito ang sikreto ng iyong kapalaran na nagsasabing ang pagpaparaya ay magbubunga ng magagandang kapalaran na higit pa sa iyong inaasahan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-19-20-29-30-31-37.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Aanhin mo ang mga materyal na bagay kung mapapalayo ka naman ang mga nagbibigay sa iyo ng saya at ligaya? Ito ang ilagay mo sa iyong isipan ngayon. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-9-13-29-40-42.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong balikan ang mga araw kung kailan nabigo ka. Hihina ang iyong loob kapag nabuhay ka sa nakaraan. Harapin mo ang mga bagong umaga nang may pag-asa. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-16-27-35-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Tatanggap ka ng regalo mula sa langit dahil sa kabutihang loob na ipinakita mo sa iyong kapwa. Malalaking biyaya ang mapasasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-19-22-24-30-33.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bigyang luwag mo ang iyong sarili. Ang ibang gawain ay ipagpaliban mo muna. Hindi lang mga makina ang namamahinga dahil ang tao ay kailangan din ang masayang pahinga. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-24-25-39-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Magbalik-tanaw ka sa nakarang tagumpay mo kung saan nalagpasan mo ang malalaking pagsubok sa buhay. Ito mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-12-28-34-37-42.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Marami ang hahanga sa iyo dahil sa lakas ng loob mo. May ilan na papangaraping maging bahagi ka ng kanilang buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-17-30-34-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madadalian ka kung saan nahihirapan ang iba. Ito ang resulta ng ginawa mong paghahanda. Huwag mong kalilimutan na walang mahirap sa taong nakahanda. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-18-22-27-40-41.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page