top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 17, 2022 (Huwebes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 17, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 17, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 17, 2022 (Huwebes): Mahirap kang kaaway dahil ang kakalaban sa iyo ay mamalasin. Ito ang katotohanan at ayon sa iyong kapalaran, yayaman naman ang iyong paglilingkuran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi makabubuti sa iyo ang magbago ng plano. Ipatupad mo na ang nauna dahil ito ay magkakaroon ng magandang resulta. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-19-20-24-33-37.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bawasan mo ang iyong mga aktibidad na sobrang nahihirapan ka. Hindi ka isinilang para labis na mahirapan, kaya kung saan ka may ginhawa, roon ka pumunta at ‘yun ang gawin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-23-27-30-35-43.


GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong palipasin ang araw na ito na may sama ka ng loob sa isang malapit sa iyo. Dapat mong maunawaan na ang magkakaibigan ay likas na naglalamangan. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-20-26-30-41-46.


CANCER (June 21-July 22) - Hawakan mo nang mahigpit ang iyong sarili dahil ang galit ay hindi mabuti kahit kailan. Habang ang pang-unawa at lawak ng isipan, lalo na sa mga mahal mo sa buhay ang higit na mahalaga at may malaking maitutulong at pakinabang. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-17-23-29-31.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kung nahihirapan kang makisama sa isang tao, layuan mo na lang siya. Ang matagal na paghihirap ng iyong kalooban ay magbubunga ng karamdaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-18-22-27-30-35-41.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Dagdag-bawas ang mga kaibigan ng bawat tao. Nababawas ang walang pakinabang at nadadagdagan ang mga may mapapakinabangan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-17-24-28-30-35-43.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huhusgahan ka ng mga mapanghusga. Sila naman ay huhusgahan ng langit at tatanggapin nila ang masaklap na parusa sa utos na huwag kang manghusga sa kapwa mo. Masuwerteng kulay-crystal green. Tips sa lotto-6-15-21-33-44-46.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Masyado mong inaanalisa ang mga kaganapan na maaaring maganap pa lang. Maganda rin naman ang ganito, pero babagal ang mga kilos mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-8-11-18-26-41.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ayon sa matandang kuwento, ang pinili ng unggoy ay parte ng saging na akala niya ay magbubunga dahil ito ay may mga dahon na. Ikaw ay pinapayuhan na hindi ka dapat mainip sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-25-34-37-40.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag na huwag kang magseselos nang walang sapat na batayan. Ang pagseselos ay dapat nakaangkla sa ebidensiya at hindi sa mga kuwento ng mga tao sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-5-19-26-34-35-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kontrolado ang mga kaganapan ngayon. Malalaman mo na mali ang sinasabi ng iba na sila ang gumagawa ng kanilang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-20-25-27-37-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Namumunga ang itinanim. Ang pagsisikap ay namumunga rin, kaya kapag namuhunan ka ng pagod at hirap, makakaasa kang hindi ka mabibigo. Aani ka ng kayamanan at maraming pagpapala sa buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-10-21-24-33-36.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page