Horoscope | February 15, 2022 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 15, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 15, 2022 (Martes): Harapin mo ang lahat ng bagay at pangyayari nang may pag-ibig sa iyong puso. Ito ang sikreto para lumakas ang iyong libido at matupad ang mga pangarap mo sa buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung ano ang maganda sa paningin, ‘yun ang magbibigay sa iyo ng sigla at ito ay lubhang mahalaga para magkaroon ng sapat na lakas ang tao para harapin ang mga pagsubok. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-10-15-28-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magmadali kang sugurin ang iyong ambisyon. Mas maganda ang pinakamalaking ambisyon mo. Huwag mong sayangin ang magandang pagkakataong ito para sa buhay mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-16-17-25-27-33.
GEMINI (May 21-June 20) - Muling nagbalik ang malakas mong gayuma kaya muli ka ring mag-ingat dahil magagayuma mo ang mga walang kuwentang tao, gayundin, silang mga pangit ang love life. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-15-24-32-37.
CANCER (June 21-July 22) - Hindi ka nakakasiguro sa nagpapakita sa iyo ng matinding pagtingin. Gayunman, ikaw pa rin ay may malalaking pakinabang na magmumula sa kanya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-18-20-29-31-36-42.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong pahalagahan ang hindi naman nagpapahalaga sa iyo. Mas makabubuting ang marunong magpahalaga sa mga kabutihan at kabaitan mo ang panatlihin mo sa iyong buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-19-25-38-40-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mula sa maliit na suwerte, ang buhay mo ay sobrang gaganda dahil ang mayabong at mabungang puno ay nagmumula sa munting buto. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-13-26-30-41-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ang ligaya, saya at ang panalo ay para sa iyo. Huwag mong kaligtaan na ibahagi sa mga nakatutulong sa iyo ang ilang magagandang kapalaran na iyong nahahawakan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-20-21-25-31-35.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Papangit ang kapalaran ng mga taong lalaban sa iyo. Aani ng mga negatibong pangyayari ang maghahangad na ikaw ay mabigo at masaktan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-10-14-16-29-30
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Ano ang mangyayari kapag nagbanggaan ang dalawang magkasing-lakas? Huwag mo nang habaan pa ang pag-iisip, umiwas ka sa may malakas ding puwersa na tulad mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-2-19-22-25-28-36.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malaki ang tsansa na lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili dahil may ilang suwerte na dadapo sa iyo nang hindi mo inaasahan at sobrang laki ng suwerteng ito. Sa tao, ‘pag dumarating ang mga suwerte, hindi napipigilan na maging galante, na hindi mo dapat gawin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-21-26-28-30-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi ka dapat mabihag ng ganda ng hitsura at porma. Ang bigyang-pansin mo na siyang pinakamahalaga ay ang may ambisyon at seryoso na magtagumpay sa buhay. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-4-11-12-26-30-39.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Susuwertehin ka ngayon. Huwag mong ubusin ang mga bagay na napasasaiyo. Huwag mo rin kalilimutan na ang matitira sa mga kamay mo ay magsisilbing iyong pampasuwerte sa ibang araw. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-6-18-24-39-40-43.




Comments