top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 14, 2022 (Lunes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 14, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 14, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 14, 2022 (Lunes): Bilis ang magdadala sa iyo ng matagumpay na buhay. Ang yaman ay makukuha mo sa bilis dahil ito ang sandata ng iyong kapalaran.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag mong tagalan ang pagbuo ng plano na may kinalaman sa pagpapayaman. Maaaring maunahan ka ng iba at sa huli ay mainggit ka pa sa kanila. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-11-12-20-32-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung saan masaya, ‘yun ang piliin mo. Walang tao na ang gusto ay malungkot, kaya ang masasayang aktibidad ay huwag mong palalagpasin. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-26-36-42.


GEMINI (May 21-June 20) - Masaya ka, pero sa mga mata lang ng marami. Sa sarili mo, ang totoo ay nalilito ka sa kung ano ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-28-31-36-43.

CANCER (June 21-July 22) - Nag-uumapaw ang damdamin mo sa pagmamahal. Ang payo ay ihayag mo ang iyong nadarama. Ito ang tunay na susi ng kaligayahan. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-22-29-30-36-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Maging alerto ka sa kakayahan mo sa pananalapi. Ang kaligayahan ay napapalitan ng kalungkutan kapag sa huli ay walang gagastusin sa darating na mga araw. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-9-14-26-24-40.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mababawasan ang ligaya mo kapag hindi mo pinalaya ang iyong isipan sa mga negatibong bagay na naglalabas-pasok sa iyong isip. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-12-28-30-33.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mong sayangin ang maliligayang araw na ito. Huwag mong kaligtaan na sa pagiging malaya, ang tao ay tunay na lumiligaya. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-12-29-30-38-45.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pansamantalang ligaya lang ang darating ‘pag sa mga susunod na araw ay problema ang kinakaharap. Kaya huwag mong kalimutan na maging matalino at isip ang gamitin at hindi damdamin. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-17-18-20-21-33-34.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi nabubuhay ang tao sa pagtutok lang sa hanapbuhay. Kailangan ding tutukan ang personal na kaligayahan at kung paano liligaya kapiling ang minamahal sa buhay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-1-8-20-25-30-38.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Nananariwa ang mga bulaklak dahil sa halik ng hamog. Tandaan mo na ang halik ay mahalaga para sa isang tao dahil nakakatanggal ng pagod at hirap. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-17-21-28-36-39.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding. Ikaw ay nanatiling pinakakaakit-akit. Ang babala ay nagsasabing mag-ingat ka dahil dumarami ang naiinggit sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-19-20-27-39-40-45.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Bago mawala sa loob mo, may mga suwerte ka mula sa malayo. Huwag mong kalimutang makipag-ugnayan sa nasa malayo. May suwerte ka rin sa iyong tabi. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-16-20-21-27-38.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page