Horoscope | February 13, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 13, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 13, 2022 (Linggo): Marami ang mananamantala sa taglay mong lihim na suwerte. Dahil dito, marami ang yayaman dahil sa iyo. Mas magandang yumaman ka rin.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Makadarama ka ng lungkot kahit sa totoo lang, wala kang sapat na dahilan para malungkot. Ito ay simpleng nagsasabi na ngayon ay hindi ka dapat makuntento. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-19-22-28-30-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong hanapin ang nawala. Ituon mo ang iyong sarili sa paparating at ito ay ang magagandang bagay na magbibigay ng suwerte at sobrang kaligayahan sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-13-17-28-30-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag mong pansinin ang nagpapapansin dahil sayang lang ang mga oras mo sa kanila. Tandaan mo na ang mga nagpapapansin ay negatibong tao na sisira lang sa diskarte ng taong positibo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-13-28-30-31.
CANCER (June 21-July 22) - Sarili mo ang iyong kalaban sa araw na ito. Paano ka manalo? Huwag mong gawin ang gusto mo, sa halip, sundin mo ang pinagagawa ng iyong tagapayo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-14-17-20-21-25.
LEO (July 23-Aug. 22) - Magaganap ang ayaw mo, pero magugulat ka dahil ang mga suwerte ay mapasasaiyo. Magpapatotoo ka at sasabihin mo na ang kagustuhan ng langit ay mas mabuti kaysa sa kagustuhan ng tao. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-4-17-21-28-30-32.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makipagsabayan. Isagawa mo ang gusto mo nang palihim dahil sa ganitong paraan, magugulat ang lahat dahil malayo na pala ang narating mo at milya-milya mong iniwan ang iyong mga karibal. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-26-30-36-42-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang magpatulong sa hindi mo pa gaanong kakilala. May mga tagong motibo ito kung saan sa huli ay parang patibong na ikaw ang biktima. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-15-28-30-36-43.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magdagdag ka pa ng kaalaman para hindi ka malugi sa papasukin mong negosyo. Huwag kang maniwala na ang tagumpay ay palakasan lang ng loob. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-12-26-24-25-35-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mag-ingat ka. Nagkalat ngayon ang mga may lihim na galit sa mundo. Suriin mo munang mabuti ang pagkatao ng mga gustong makipagkaibigan sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-12-27-30-37-40-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim kang matuwa kapag ang kaaway mo ay nakaporma laban sa iyo. Ang totoo nito, ito ay isang kondisyon ng iyong kapalaran bago mo matanggap ang naglalakihang suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-12-16-23-27-43-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mapapansin mo ang iyong sarili na kahit nabubuhay ka sa saya, may kulang pa rin sa buhay mo. Ito ang tunay na ligaya na hindi nagmumula sa mga materyal na bagay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-17-22-26-31-32.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumuha ka ng lakas ng loob sa mga hamon ng kapalaran na iyong napagtagumpayan. Ito ang pananggalang mo sa mga biglang tingin ay malalaking pagsubok, pero hindi naman pala. Anumang pagsubok ang dumating, tiyak na kayang-kaya mo itong solusyunan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-16-20-21-24-30-36.




Comments