Horoscope | February 11, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 11, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 11, 2022 (Biyernes): Gamitin mo para sa iyong sarili ang magagandang katangian mo at gamitin mo rin ang magagandang katangian ng mga taong nasa paligid mo. Sa ganyang paraan, mas madali kang yayaman at liligaya.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang mabalisa sa mga problema. Ituloy mo ang mga binabalak mong pagsasaayos sa sistema ng iyong pinagkakakitaan dahil hindi ka mabibigo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-9-11-17-20-23-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Magpatulong ka sa malapit mong kaibigan, hindi sa materyal na bagay kundi kung paano bibilis ang pag-unlad ng iyong buhay. Hindi maganda kung inaakala mong kaya mo ang lahat ng bagay. Sa halip, walang masama kung magpapatulong ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-24-35-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Kikislap na naman ang iyong galing at husay sa pagsasalita. Marami ang iyong mapapaniwala. Ang payo ay gamitin mo ang iyong husay para magkapera at yumaman ka. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-26-35-38-45.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang malito. Kaya lang naman nalilito ang tao ay dahil marami siyang gusto. Ang payo ay piliin mo kung ano ang kayang-kaya mo na hindi ka gaanong mahihirapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-25-33-45.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung ano ang kailangan, ‘yun lang ang kunin mo. Isang kalabisan ang kukuha ng higit sa kanyang kailangan. Sa ganitong paraan, ang buhay mo ay magiging payapa at malayo sa gulo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-11-14-22-28-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang makihalo sa gulo. Mas maganda ang tahimik kaysa iinit lang ang ulo mo dahil sa pagsali sa mga bagay na hindi mo naman dapat salihan. Kapag tahimik ang buhay, mas maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-15-21-27-33-37.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pasayahin mo ang iyong kapwa kahit kapos ka rin. Mahirap gawin ito, pero sa mga gumawa, nakakaranas sila ng biglaang pagdagsa ng mga biyaya at magagandang kapalaran sa buhay nila. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-2-18-20-28-30-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Magsaya ka at sasaya ka. Simpleng pormula ito ng masayang buhay. Bakit hindi mo gawin? Muli, magsaya ka at sasaya ka. Walang magandang ibubunga ang nabubuhay sa lungkot, sama ng loob at hinanakit. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-19-20-25-26-36-41.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nakatutuwa ang susi kung paano gaganda ang iyong buhay. Dagdagan mo ang bawat ginagawa mo. Kung isang basong tubig ang iniinom mo, gawin mong dalawa, kung dalawa, gawin mong tatlo. Ganundin sa lahat ng ginagawa mo, paramihin mo at tiyak na yayaman ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-17-20-25-35-38-46.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Sinusukat ng karpintero ang gagamitin sa paggawa ng bahay. Bakit hindi mo sukatin ang taglay mong kakayahan? Kapag nasukat at alam mo ang iyong taglay na kakayahan at limitasyon, mas madali kang uunlad at aasenso. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-11-15-21-25-34.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Likas sa iyo ang pagiging isang rebelde. Tulad ngayon, iiral na naman ang iyong nasabing katangian dahil makikita na ang pagkabagot ay unti-unting naghahari sa iyong kalooban. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-3-18-20-27-31-38.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat naman ay may hindi alam, kaya lahat ay may karapatang magdagdag ng kaalaman. Huwag kang mahihiya na magtanong sa mga taong alam mong marami nang alam. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-15-17-21-25-34-39.




Comments