Horoscope | February 10, 2022 (Huwebes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 10, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 10, 2022 (Huwebes): Kumilos ka nang kumilos para sa magandang kinabukasan. Dahil dito, agad-agad mong aanihin ang matatamis na bunga ng iyong pagsisikap. Hindi ka matutulad sa iba na nagsikap pero walang napala.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pasasayahin ka ng iyong kapalaran dahil ikaw ay nakitang seryoso na parang tatalunin ka na ng kalungkutan. Sa pagiging masaya, mas maraming suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-lilac. Tips sa lotto-9-18-22-28-30-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Nagsisimula na ang mabilisang pagbabago ng iyong kapalaran kung saan makikitang ikaw ay sobrang natutuwa dahil sa biglang pagganda ng iyong kalagayan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-10-13-25-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Pasayahin mo ang iyong sarili kasama ang malalapit sa iyo. Huwag mong kaliligtaan na ang magagandang kapalaran ay dumadapo sa iyo dahil sa masaya mong personalidad. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-23-29-30-37.
CANCER (June 21-July 22) - Magandang malaman mo na ang araw na ito at ang darating pang mga araw ay para sa pagpapasaya. Ibig sabihin, kung sino ang masaya, siya ang bubuwenasin. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-14-20-25-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang manghinayang sa mawawala sa iyo kapag tinulungan mo ang isang alam mong walang-wala. Langit mismo ang gaganti at kikilos para mas dumami ang iyong mga biyaya. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-12-14-16-20-29-31.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag kang magkulong sa bahay. Lumabas ka at magugulat ka dahil ang marami at malalaking suwerte ay maglalapitan sa iyo na parang matagal ka nang hinihintay-hintay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-22-28-30-38-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang iyong paboritong kasuotan, nasa loob o labas ka man ng bahay. Ito ang iyong pampasuwerte na nagsasabing, magdadagsaan sa buhay mo ang magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-24-27-36-40-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Muli, lumayo ka sa mga malungkutin dahil sila ay hindi dadapuan ng mga suwerte. Tandaan mo na ang saya at suwerte ay iisa. Ito ang dapat mong malaman sa buhay ng tao. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-21-25-39-40-44.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Maging tapat ka sa iyong sarili. Aminin mong ang mga materyal na bagay ang tunay na nagbibigay sa iyo ng kaligayahan. Sa ganitong paraan, lalong darami ang iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-18-20-21-26-30.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ano ang iyong pahahalagahan ngayon, kaibigan o karelasyon? Ayon sa iyong kapalaran, ang una ay bibigyan mo ng importansiya dahil sa kanila, ikaw ay totoong masaya. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-11-18-29-31-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kumilos ka na kilos ng taong masaya. Sa ganitong paraan, hindi lang mawawala ang iyong mga pangit nararamdaman dahil mas darami rin ang mga suwerteng mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-10-18-22-26-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Nagpasya ang langit na sa araw na ito, sasalubungin ka ng mga suwerte mo. Ang isa pang pasya, lalayo na sa buhay mo ang mga taong kamalasan ang hatid sa iyo na matagal mo nang kinaiinisan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-24-28-40-46.




Comments