top of page
FRANKLY - PATRICK, IBINULGAR NA TODO-REACH OUT KAY JENNYLYN NU’NG BUNTIS, SHOCKED NA BF NA

Horoscope | February 08, 2022 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Feb 8, 2022
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 08, 2022



Sa may kaarawan ngayong Pebrero 8, 2022 (Martes): Marami ang yayaman dahil sa iyo dahil suwerte ang iyong dala sa mga madidikitan mo. Yayaman ka rin kapag ginusto mo nang gamitin sa sarili mo ang iyong suwerte.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Tatag at tibay ng loob ang pampasuwerte mo. Kaya panatilihin mong maging matatag sa mga hamon na iyong kinakaharap at makakaharap pa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-24-29-30-35.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Pagmamahal sa sarili ang tunay na pinanggagalingan ng iyong lakas. Kahit ano’ng maranasan mo, mahalin mo ang iyong sarili nang sa gayun ay manariwa ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-18-23-26-31-35-40.

GEMINI (May 21-June 20) - Ngayon mo gamitin ang hawak mong pampasuwerte. Pero pumili ka lang ng isa, ‘yung ‘pag hinawakan mo ay may kakaibang sarap at saya kang madarama. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-16-20-26-31-33-36.

CANCER (June 21-July 22) - Isuot mo ang paborito mong kuwintas. Ito ay dahil sa lahat ng iyong lucky charm, ang kuwintas sa iyong dibdib ang hahatak ng mas malalaking suwerte at mas maraming magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-18-24-28-30-33.

LEO (July 23-Aug. 22) - Tiyak na may gamit ka na ginto. Gamitin mo ito ngayon nang sa gayun ay mapasaiyo ang ilang mga suwerteng sunod-sunod na ihuhulog ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-12-25-39-41-44.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lagyan mo ng harot ang buhay mo. Puwede ring umawit ka ng masayang awitin, hindi mahalaga kung maganda o hindi ang boses mo dahil ang importante ay umaawit ka. Ito ang magdadala ng mga suwerte at magagandang kapalaran sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-16-24-27-30.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit nasa bahay ka lang, isuot mo ang damit na lantad ang kagandahan mo. Ito ang susi ng iyong kapalaran na magbubukas sa pintuan ng silid ng iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-19-23-24-39-40.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Basagin mo ang iyong katahimikan, kung saan ikaw mismo ang nagkulong sa iyong sarili. Muli mong harapin ang mundo nang may sigla at saya sa iyong puso at damdamin. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-9-11-17-23-32.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Simple lang ang sikreto upang ikaw ay buwenasin. Batiin mo ang nakatataas sa iyo o ang kilala mong sinusuwerte. Mahiwagang malilipat sa iyo ang kanilang suwerte. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-4-11-15-28-32-36.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ilabas at linisin mo ang tinatago mong lumang gamit. Dahil sa maniwala ka o hindi, ito mismo ang iyong pinakaepektibong pampasuwerte ngayon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-17-18-21-33-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Palawit ang iyong pampasuwerte ngayon. Simpleng hipuin o isayad mo ang iyong mga palad at magugulat ka dahil biglang magdaratingan ang iyong magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-16-23-27-33-41.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kapag nadarama mong hindi umusad ang iyong kapalaran, ang payo ay mamasyal ka sa mga kaibigan mo at makipagkuwentuhan ka. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-11-18-21-28-35.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page