Horoscope | February 07, 2022 (Lunes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 07, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 7, 2022 (Lunes): Mayaman ang iyong imahinasyon. Puwede kang yumaman dahil dito, kaya gamitin mo ito para sa kinabukasan ng iyong pamilya upang yumaman at umunlad kayo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pansamantala mong takasan ang mabibigat na problema. Kapag wala ka, kusang hihina ang mga ito at ikaw ay lalakas. Sa pagbabalik mo, matatalo mo nang tuluyan ang iyong mga problema. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-16-30-33-38.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi masama ang umatras kapag alam mong mapupunta ka sa mali. Pag-aralan mong mabuti kung ano ang iyong kahihinatnan sa hinaharap. Atras lang nang atras kapag alam mong papangit na ang buhay mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-29-30-34-38-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Huwag kang mag-alala sa paparaming gustong mapalapit sa iyo. Mas marami sa kanila ang tiyak na mapapakinabangan mo. May ilang hindi maganda ang motibo, pero hindi sila mananalo laban sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-18-20-23-26-34-42.
CANCER (June 21-July 22) - Papalakas nang papalakas ang mga suwerte mo, at kahit ikaw mismo ay madarama ito. Ngayon mo na simulan ang mga proyektong magpapaunlad sa iyong buhay. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-19-20-26-39-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kung hindi hihinto ang mga kontrabida sa buhay mo, batok ng kapalaran ang tatama at matitikman nila. Sa huli, mauunawaan nila na ang kailangan ay maging mabait sila sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-15-17-21-25-28-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ikaw ang tagahatol ngayon. Sa paghatol mo, dapat wala kang papanigan. Kapag wala kang pinanigan, kusang dadapo sa katawan mo ang suwerte at marami pang magagandang kapalaran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-20-21-23-36.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Biglaan ang pagbabago ng iyong damdamin. Marami ang magsasabi na mali at mapapahamak ka, pero ang mangyayari ay higit na magiging masarap ang buhay mo sa mga pagbabagong magaganap. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-12-17-24-25-34.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Manatili kang positibo kahit nagpipilit ang mga negatibong kaisipan na manghimasok sa buhay mo. Kapag naging matatag ka, sunod-sunod na darating ang suwerte at magagandang kapalaran sa harapan mo sa buwan na ito. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-19-22-29-32-33.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka puwedeng magtagal sa malayong lugar dahil mapapabayaan mo ang magandang itinakbo ng iyong pinagkakakitaan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-2-18-26-39-44-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi lang katawan mo ang lumalakas dahil lumalakas din ang mga suwerte mo. Ito ang magiging kapalaran sa panahong ito na malapit na ang tag-araw. Masuwerteng kulay-ocher yellow. Tips sa lotto-7-16-24-26-35-43.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Parang hinihila ka ng iyong sarili na mamasyal kahit wala kang tiyak na pupuntahan. Ito ay senyales na ang mga suwerte mo ay dadapo sa iyo kapag nasa labas ka ng bahay. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-12-27-30-31-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Masarap na pakiramdam ang halik sa pisngi mo ng sariwang hangin. Ito ay parang patak ng tubig sa mga sandali na ikaw ay uhaw. Ito rin ang nagsasabing susuwertehin ka ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-8-11-17-21-24.




Comments