Horoscope | February 06, 2022 (Linggo)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 06, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 6, 2022 (Linggo): Hindi papayag ang iyong kapalaran na manatili ka sa hindi magandang buhay. Makikita mong ang langit ay kumikilos para mapasaiyo ang kaligayahan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Pumasok sa kapalaran mo ang mala-bituing liwanag, hudyat na ang mga negatibong nangyayari sa buhay mo ay mawawala na nang tuluyan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-20-24-28-35.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Angat ka ngayon. Maraming mata ang nakatingin sa iyo. Hinahangaan ka at ikaw ang kanilang magiging inspirasyon. Maraming buhay ang gaganda dahil sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-3-19-23-28-34-39.
GEMINI (May 21-June 20) - Gumagalaw ang iyong kapalaran na parang hinihigop ang mga suwerteng nasa paligid mo. Hindi magtatagal ay aapaw ang iyong kaban-yaman. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-silver. Tips sa lotto-2-16-21-28-34-37.
CANCER (June 21-July 22) - Nagpaparamdam sa iyo ang isang malaking suwerte kaya sa kasalukuyan ay malalakas ang iyong kaba sa dibdib. Itakwil mo ang mga negatibong gawi at ugali mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-20-28-30-32-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Ipamigay mo ang hindi mo na kailangan. Huwag kang manghinayang. Sa ganitong paraan, luluwag ang lalagyan ng iyong suwerte at papasok ang mga bago at magagandang kapalaran. Gawin mo na ito ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-16-24-27-34.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Bibisitahin ka ng magandang kapalaran ‘pag nakita nitong siya ay kailangan mo. Tunay ngang siya ay mapasasaiyo at magkakaroon ng malaking pagbabago sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-9-14-15-29-30.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nalilito ka ba kung susugod ka para sa ikagaganda ng buhay mo o ikaw ay mananatili sa kasalukuyan? Ang payo ay ang una, sumugod ka, sugurin mo ang iyong mga suwerte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-10-11-16-29-30-33.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi naiiwasan ang magkamali. Ang mahalaga ay kumikilos para magbago ang buhay. Huwag kang matakot magkamali, sa halip, ang katakutan mo ay ang kawalan ng pag-asenso. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-18-22-28-30-35.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nahuhulog ang mga bituin dahil hindi na nila kaya ang kanilang bigat at ningning. Ibahagi mo sa iba ang ilang suwerte na iyong tinatamasa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-18-28-30-31.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kumilos ka na parang hindi ka tinatablan ng mga intriga. Ito ang panlaban sa mga taong walang magawa kundi siraan at pabagsakin ang kapwa. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-8-19-25-27-37-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kakayanin ng malalapit sa iyo ang hindi mo kaya. Mararanasan mo ang diwa ng pagtutulungan dahil sa pagmamahalan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-18-24-31-39-45.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Makikitang mas madalas kang nakatingin sa malayo. Ito ay nagpapayo na aktuwal kang lumayo. Mamasyal ka sa lugar na malapit sa kalikasan. Sa ganitong paraan, mananariwa ang iyong enerhiya at sunod-sunod na suwerte ang mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-5-19-21-22-28-33.




Comments