Horoscope | February 05, 2022 (Sabado)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 05, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 5, 2022 (Sabado): Hindi ka mauubusan ng magagandang oportunidad. Samantalahin mo ang mga ito nang sa gayun ay maging matatag ang iyong hinaharap.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit nag-aalinlangan ka, ituloy mo lang ang gusto mong gawin. Makakaasa ka na magagawa mo ito at matutuwa ka dahil ang magiging resulta ay sobrang maganda. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-18-20-23-28-30.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang magdahan-dahan. Bilis ang iyong kailangan dahil marami pang magagandang oportunidad na naghihintay sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-15-21-24-28-34-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Iyong-iyo ang araw na ito. Malaya mong magagawa ang anumang gusto mo. Ang sinumang hahadlang sa iyo, langit mismo ang kanilang makakalaban. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-11-17-29-33-38-42.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang magtagal sa proyektong inaasikaso mo ngayon. Tapusin mo ito nang sa gayun ay may mga kasunod pang darating. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-26-27-31-32-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Maging tagapamagitan ka, huwag kang pumanig. Balansehin mo ang mga katwiran ng dalawang hindi magkaunawaan. Pakikinggan ka nila dahil ikaw ay kanilang iginagalang. Masuwerteng kulay-apple green. Tips sa lotto-2-19-23-28-38-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran at hawak mo rin ang kapalaran ng mga nasa paligid mo. Kung ano ang tuwid at tama, ‘yun mismo ang gawin mong batayan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-18-22-28-39-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, ‘yun ang piliin mo. Huwag kang mag-alinlangan, ang maganda ay lalong nakakapagpasigla sa iyo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-24-26-27-36.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Bigyan mo ang wala at ikaw ay magkakaroon. Bigyan mo ang mayroon at ang kabaitan mo ay tiyak na sasamantalahin. Dapat ‘yung una ang isabuhay mo ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-17-20-21-27-34-38.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Dagdag na suwerte ang mapasasaiyo kapag maaga mong tinapos ang iyong gawain. Huwag mo nang intindihin pa ang ibang gusto mong gawin. Tutukan mo ang mga naunang gawain at tapusin mo ito bago ka tumutok sa iba. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-24-25-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Patatagin mo muna ang iyong kabuhayan bago ang kabuhayan ng iba. Paano mo matutulungan ang iyong kapwa kung hindi pa gaanong matatag ang iyong kabuhayan? Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-10-12-20-31-39.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pahirapan ang iyong sarili. Kaya kung nahihirapan ka na, mas maganda kung gumawa ka na ng paraan para makatakas ka sa sitwasyong hirap na hirap ang iyong kalooban. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-19-26-27-37-39-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung ano ang mas madali para sa iyo, ‘yun ang piliin mo. Hindi ngayon ang panahon para sa pagsasakripisyo. Bigyan mo ng saya at ginhawa ang iyong sarili. Ito ang mensahe sa iyo ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-19-21-25-28-35.




What time niyo ilalabas horoscope today? Feb 6, 2022?