Horoscope | February 04, 2022 (Biyernes)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 04, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 4, 2022 (Biyernes): Palaging may nag-aabang na mga suwerte sa landas ng buhay na iyong tinatahak. Mapasasaiyo ito kapag nagawa mong unawain ang mga taong hindi mo maintindihan.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mahirap sundin. Ang totoo, ang pinakamahirap gawin ay ang sinasabi na mahalin mo ang iyong kaaway. Pero kapag nagawa mo ito, may nakalaan na malaking premyo ang langit para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-17-20-21-28-30-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Tanggapin mo nang maluwag sa loob ang mga pangyayari sa iyong harapan. Ito ang sikreto para lumuwag ang loob mo at mabigyang-daan ang mga bago mong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-14-18-25-26.
GEMINI (May 21-June 20) - Matitindi ang mga pagsubok na iyong kinakaharap. Kapag binalikan mo ang nakaraan, mas grabe pa sa mga ito ang iyong napagtagumpayan. Kumapit ka sa iyong sarili, ito ang iyong kailangan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-19-22-39-42.
CANCER (June 21-July 22) - Mababa ang mga luha mo ngayon, pero ‘wag kang mabahala dahil simpleng mensahe lamang ito na kahit sa mga munting ligaya, ikaw ay mapapaluha ngayon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-22-26-33-35-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Manindigan ka. Ngayon mo ipakita na ang loob mo ay buong-buo at hindi tulad sa nakaraan na natatangay ka ng iyong kapwa. Sa paninindigan, ikaw ay hahangaan at kikilalanin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-18-21-28-30-31-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palagi mong pasasayahin ang malungkot. Ang hindi nila alam, sa totoo lang ay hindi mo kayang pasayahin ang sarili mo. Pero kunwari ay masaya ka at walang problema. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-11-15-24-25.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi kung hindi. Oo kung oo. Ngayon, ang pasya mo ay igagalang ng langit, pero huwag kang malilito. Muli, hindi kung hindi at oo kung oo. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-10-14-16-25-28.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Naghahanda ang langit ng malaking suwerte para sa iyo na ikagugulat ng mga inggit sa buhay mo. Ang mga lihim mong kaaway ay tiyak na magugulantang din. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-21-28-29-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mapupunta sa iyo ang ilang suwerte na inayawan ng iba dahil sa magulong isip nila. Maging masinop at mapagpahalaga ka sa mga biyayang inihuhulog ng langit. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-16-22-28-32-39-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kahit wala kang gawin o anuman ang pananaw mo, hindi na ito mahalaga dahil noon pa man, nagpasya na ang langit na pagandahin ang iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-20-24-28-38-40.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Muling ibinalik ng langit ang araw kung kailan ang bawat kahilingan mo ay papabor sa iyo. Palagi kang magpasalamat sa nasa itaas. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-14-16-22-27-30-34.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Madarama mo na parang masikip ang iyong mundo kung kailan hindi mo maigiit ang gusto mo. Ang masuwerteng balita para sa iyo ay nagsasabing pansamantala lang ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-15-17-20-24-25-35.




Comments