Horoscope | February 02, 2022 (Miyerkules)
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| February 02, 2022
Sa may kaarawan ngayong Pebrero 2, 2022 (Miyerkules): Hinahangaan ng langit ang iyong kabaitan at ang pagiging maawain mo. Dahil dito, walang katapusan ang mga biyayaang ilalaan para sa iyo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Mababa ang loob mo ngayon. Lumayo ka muna sa mga mapagkunwari kahit sila ay nakakaawa dahil sila rin ang unang mandaraya sa iyo. Muli, lumayo ka sa kanila. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-9-18-20-28-29-33.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Bago mo mahalin ang iyong kapwa, mahalin mo muna ang iyong sarili nang sa gayun ay matupad mo ang banal na utos na mahalin ang kapwa tulad ng pagmamahal natin sa ating sarili. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-8-11-16-20-24.
GEMINI (May 21-June 20) - Panoorin mo ang mga bata na malayang naglalaro nang masaya at walang negatibong iniisip. Isabuhay mo ngayon ang buhay na hindi naaapektuhan ng negatibong kasipan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-18-24-28-30-37-38.
CANCER (June 21-July 22) - Iyung-iyo ang araw na ito. Ibabalik ng langit ang araw na kaya mong gawin ang mga bagay na inaakala mong hindi mo magagawa. Mamamangha rin nang labis ang nasa paligid mo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-19-21-26-28-34-35.
LEO (July 23-Aug. 22) - Tutulungan ka ng akala mo ay mahina. Aalalayan ka ng hindi mo akalaing kaya kang alalayan. Ito ay pagtuturo ng iyong kapalaran na huwag kang maging mapanghusga. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-17-28-39-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magdahan-dahan ka. Maging maingat ka dahil hindi ngayon ang panahon para sa mabilis na pasya at agarang kilos. Pag-aralan mong mabuti ang mga gusto mong gawin sa buhay nang hindi ka mahirapan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-15-20-21-31-38-42.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag mo nang ituloy ang balak mong gawin kapag hindi maganda ang opinyon ng iyong makakausap na mas nakakaalam kaysa sa iyo. Masasaktan ka lang kapag matigas ang ulo mo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-12-28-35-38-40-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Pabor na pabor ang langit sa mga plano mo. Ang kailangan na lang ay ituloy mo ang mga ito. Huwag kang mag-alinlangan kahit alam mong ikaw ay may mga kahinaan at naduduwag. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-17-22-24-37-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Mahina ka ngayon at alam mo ito. Alam din ng langit na medyo mahina ka, kaya padadalhan ka ng isang malakas at ikaw ay susunod sa kanya. Pansamantala lang siya, kaya iwasan mong mahulog ang loob mo sa taong ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-27-39-40-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ito ang araw kung kailan bubuhos ang tulong ng iyong kapwa at maging ng langit. Wala ka nang katwiran pa na malungkot at mawalan ng pag-asa. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-1-7-19-27-38-42.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mag-aalinlangan ka ngayon. Kakaiba ito kumpara sa nagdaang mga araw kung kailan sobrang kumpiyansa ka sa iyong sarili at sobrang malakas ang loob mo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-10-15-17-23-37.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Ito ang araw na mabibigo ang iyong mga lantad at lihim na kaaway, sila na naghahangad ka na masaktan at mapahiya ang aani ng sakit at kahihiyan. Masuwerteng kulay-aquamarine. Tips sa lotto-16-23-33-38-40-42.




Comments