top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Horoscope | Enero 8, 2023 (Linggo)

  • BULGAR
  • Jan 8, 2023
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 8, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 8, 2023 (Linggo): May maningning na bituing tatanglaw sa iyo. Ibig sabihin, anuman ang gustuhin at ikilos mo, tiyak na ito ay matutupad. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ito ang araw na kailangan mo ang pampasuwerte. Ibinabalita sa iyo na hindi mga bagay ang pampabuwenas mo kundi tao — siya ang palaging nagpapasaya sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-20-25-27-30-31.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gusto mo bang mapatunayan na ang mga halaman ay nagbibigay ng suwerte sa buhay ng bawat tao? Pumitas ka ng dahon sa iyong halaman, ilagay mo sa iyong pitaka at susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-12-21-26-29-33.


GEMINI (May 21-June 20) - Gumamit at magsuot ka ng mga bagay na gawa sa pilak o silver dahil ito mismo ang magsisilbing lucky charm mo ngayong 2023. Habang suot mo ito, maraming suwerte at magagandang kapalaran ang darating sa iyo. Masuwerteng kulay-gray. Tips sa lotto-5-14-23-27-32-42.


CANCER (June 21-July 22) - Maglinis ka ng bahay. Kapag mas maraming tubig ang nagamit mo, mas maraming suwerte ang darating sa buhay mo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-6-12-22-28-39-40.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kailangan mo ang sikat ng araw kahit sandali lang. Ito ang panlaban mo sa mga negatibong puwersa sa paligid. Ito rin ang magbibigay sa iyo ng mga suwerte sa buhay. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-17-25-26-34-39.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Magsuot ka ng bagay na may kislap dahil ito ang susi para magkislapan ang kapalaran mo. Ibig sabihin, wala nang hinto ang pagdating ng mga suwerte mo sa buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-21-24-28-35.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi bagay ang pampasuwerte mo ngayon. Ang isang simpleng ngiti mula sa iyong mga labi ay nagbabalita na anuman ang gusto mo ay mapasasaiyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-16-25-31-37-40-41.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag kang mag-alala kapag napuyat ka dahil kakaiba ngayon ang takbo ng kapalaran mo. Ito ay nagsasabing sa puyat, ikaw ay may mga buwenas. Ito ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-12-20-25-28-33-38.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kahit may mga problema, huwag kang yuyuko. Bagkus, panatilihin mong nakataas ang iyong ulo at nakatingin sa harapan. Ito ang susi upang mapalapit ka sa dulo ng iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-24-27-30-42.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Ang simpleng paghawak sa banga na nasa inyo ay pampasuwerte mo, puwede rin sa mga bagay na gawa sa pinatigas na lupa. Ito ang pampabuwenas mo ngayon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-19-22-28-30-33-36.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hangin ang pinanggagalingan ng iyong magagandang kapalaran. Kaya mas mabuting buksan mo ang bintana nang pumasok ang sariwa at bagong hangin. Sa ganyang paraan, ikaw ay bubuwenasin. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-13-25-27-31-38-40.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tiwala sa sarili ang magdadala sa iyo ng mga suwerte. Huwag na huwag kang mag-alinlangan sa iyong sariling kakayahan dahil noon pa man, ang mabibigat na hamon ng kapalaran ay iyong nalagpasan. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-23-27-29-32-37.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page