Horoscope | Enero 8, 2021 (Biyernes)
- BULGAR

- Jan 8, 2021
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 8, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 8, 2021 (Biyernes): Itinakda kang tumulong para sa ibang tao para sila ay magsiyaman. Pero dapat mong malaman na kailangan mo ring mapaunlad ang sarili mong buhay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kapag nahirapan kang ipatupad ang iyong mga kagustuhan, kampante ka lang. Kikilos din naman ang iyong kapalaran at ang iyong mga pangarap ay tiyak na matutupad. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-11-16-22-28-32.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mabahala kapag nasingitan ka ng iyong karibal. Pansamantala lang naman ang kanyang kasiyahan dahil hindi naman magtatagal at siya ay iiwanan mo nang milya-milya. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-8-13-29-30-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Sadyang mabagal ang ikot ng orasyon ng gulong ng kapalaran, kaya walang mas mabuting gawin kundi ang maging mapaghintay at hindi ka dapat matalo ng pagkainip. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-20-27-29-30-35-42.
CANCER (June 21-July 22) - Kapag ang tinanaw mo ay ang mga problema, naparami nila, pero kapag naman ang tinanaw mo ay ang magagandang pagkakataon, mas marami ang mga ito kaysa sa una. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-18-27-31-33-37-39.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag hindi dumating ang tinawag ng kanyang kapalaran, hindi magdadalawang-isip ang langit na ibigay sa iba ang magagandang oportunidad. Ikaw ang nasa unahan ng pamalit. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-1-18-21-25-34-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Lalong babagal ang takbo ng buhay kapag hindi ka tumigil sa kaiisip ng ibang ideya. Bibilis naman ito kapag ang mga nabuo mong mga plano ay isinagawa mo na ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-16-26-34-36-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kung ano ang kailangan, ‘yun lang ang ibigay. Hindi na dapat pang maulit na higit sa kailangan ang manggagaling sa iyo. Ito ngayon ang mensahe ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-15-20-23-30-44.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nilalayuan ang mga tao na matigas ang ulo. Kapag napansin mong kontra sa iyo ang malalapit sa buhay mo, ikaw ay dapat maghinay-hinay upang hindi lalong mabulilyaso ang iyong diskarte. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-12-14-26-32-39-42.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagiging dalawa ang isa. Hindi ito imposible, lalo na sa larangan ng pag-ibig at ang isa pang katotohanan ay ang dalawa ay naging tatlo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-10-15-23-30-38-40.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong pagtakpan ang katotohanan dahil ang mga karamdaman ay nagmumula sa mga hindi inamin na mga nangyayari sa buhay ng isang tao. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-13-16-24-38-43-46.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Pinapalitan ang mga pormula na hindi na umuubra. Kailangan mong buksan ngayon ang iyong isip nang hindi magpatuloy ang hindi kagandangang galaw ng buhay. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-15-25-33-40-41.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Tahimik mong hintayin ang pagbabago na gagawin ng langit sa iyong kapalaran at huwag mong kakaligtaan na ang nasa itaas ang higit na nakakaalam kung ano ang mabuti. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-11-19-20-36-40.




Comments