Horoscope | Enero 7, 2026 (Miyerkules)
- BULGAR

- 2 days ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 7, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 7, 2026 (Miyerkules): Kailanman ay hindi ka pababayaan ng Dakilang Manlilikha. Ang mga pagkakataong mapaganda ang iyong buhay ay laging mag-aabang sa landas na iyong nilalakaran.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Inaayos na ng langit ang hindi mo kayang ayusin. Ito ang resulta ng iyong pagpapakumbaba. Kung magtutuloy-tuloy ito, ang kapalaran mo ay lalo pang gaganda. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-13-20-25-30-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Palipat-lipat lang tulad ng paru-paro ang mga suwerte mo. Hindi magtatagal, dadapo ito sa iyo at magtatagpuan kang pinamumugaran ng magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-2-12-22-28-33-40.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung ano ang maganda sa paningin mo, iyon ang tutukan mo. Tandaan mo, ang mga magaganda ay nagbibigay-inspirasyon at sigla sa mga tao. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-5-19-23-29-32-44.
CANCER (June 21-July 22) - Kapansin-pansin na may init kang nadarama. Ito ang “halik ng kapalaran,” na ang ibig sabihin, sa araw na ito at sa susunod pang mga araw ay mapapasaiyo na ang tagumpay. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-2-15-27-30-38-41.
LEO (July 23-Aug. 22) - Makakasingit sa iyo ang mga kaisipan puwedeng magpabago sa buhay mo, lalo na’t ayaw mong nahihirapan at nababagot. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-17-26-29-35-43.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Huwag mo nang pagurin ang iyong isip. Ang maganda ay maganda, kaya lang naman ito pumapangit, dahil hinahanapan mo ito ng kapintasan at pagkukulang. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-9-21-25-31-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Piliin mo ang hindi na kailangang bantayan. Bakit mo pahihirapan ang iyong sarili sa pag-iisip ng mga negatibo? Tandaan mo, nakakasama sa tao ang pagdududa at walang katapusang hinala. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-19-27-35-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Nagtatago ang mga suwerte mo sa mga bagay na ayaw mo. Ito ang gawin mong gabay ngayon. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-22-28-32-45.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi mo kailangan ang mga taong panay ang kontra sa iyo. Ang mga kontrabida kahit kailan ay nakakasira ng kapalaran. Kaya dumikit ka na lamang sa mga taong may positibong pananaw at kaisipan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-2-17-24-30-37-41.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Mahalin mo ang sarili mo. Hindi tama na nagsasakripisyo ka. Gumising ka sa katotohanan, na ang dapat na unahin ay ang sariling kapakanan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-8-12-27-31-39-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Kahit pa kontrahin mo, bubukas pa rin ang puso mo. ‘Di nadadaya ang puso at hindi rin napipigilan ang pagmamahal. Ang mas maganda at makabubuti ay ang makiayon ka na lang sa itinitibok ng iyong puso at sinisigaw ng iyong damdamin. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-21-25-29-33-42.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Dadapo sa iyo ang isang malaking suwerte, lalo na kapag pinagbigyan at tuluyan mong pinatawad ang mga taong nagkamali sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-16-20-27-38-40.






Comments