Horoscope | Enero 7, 2021 (Huwebes)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 7, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 7, 2021 (Huwebes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na malayo ang iyong mararating. Ibig sabihin, ang buhay mo ay magiging matagumpay.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Napakataas ng antas ng iyong imahinasyon. Gamitin mo ito sa pagpapaunlad sa kabuhayan nang sa gayun ay lalong lumaki ang agwat mo sa iyong mga kasabayan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-7-19-25-28-35-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Kung ano ang ilalagay mo sa isip, ‘yun ang mangyayari sa buhay mo. Kaya ang payo ay buuin mo ang pangarap mo sa iyong isipan at magkakaroon ito ng katuparan. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-3-9-11-18-20-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Kung saan may sarap sa pakikipagsapalaran, ‘yun ang iyong piliin. Dahil ang totoo, kaya nabubuhay ang tao ay dahil sa pakikipagsapalaran. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-19-28-34-41.
CANCER (June 21-July 22) - Dadayain ka ng iyong damdamin, kaya kung puwede ay isip muna ang iyong gamitin. Ang taong sa isip nakasandal ay hindi madadaya ng kanyang emosyon. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-14-16-25-38-39-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag mong atrasan ang hamon ng iyong kapalaran na may kaugnayan sa pagpapakita ng iyong likas na galing sa pagguhit o paglikha ng mga larawan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-1-18-20-31-33-37.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Marami sa maririnig mo ang hindi totoo. Dahil sa dami nito, hindi inirerekomenda ngayon na magsiyasat ka o hanapin kung ano ang totoo dahil mauubos ang maraming oras mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-19-22-27-41-45.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag ka agad-agad sasakay sa magagandang sabihin ng malapit sa iyong puso. Mas mabuti na siya na lang ang pasakayin mo sa mga pangako na hindi mo pa kayang gawin. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-11-15-20-21-39-40.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kung saan may hamon para sa iyo na gamitin ang isip, ‘yun ang piliin mo dahil kapag nagtagumpay ka, napakalaking yaman ang mapasasakamay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-9-10-12-22-27-34.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Nagbababala ang araw na ito na ikaw mismo ang dadaya sa iyong sarili. Mangyayari ito kapag hindi ka nakinig sa mga payo ng malalapit sa buhay mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-18-21-29-30-38.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang magbababa ng malaking halaga dahil ang babala ay nagsasabing papalaki nang papalaki ang itaya mo sa walang katiyakang pakikipagsugal sa buhay. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-14-17-28-33-37-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahirap mabigo, lalo na ang tulad mo na marami ring kabiguang naranasan. Subukan mo na ang mga gustong maging bahagi ka ng kanilang buhay. Ito ang iyong pakinggan. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-4-5-22-28-30-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hawak mo ngayon ang iyong kapalaran. Kung gusto mong masimulan na ang iyong pagpapayaman, ngayon ang pinakamagandang panahon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-11-14-28-39-40.




Comments