top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Enero 5, 2021 (Martes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 5, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 5, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 5, 2021 (Martes): Huwag kang mag-alala kung mabilis kang magpasya dahil ang totoo, kaya ka aasenso ay dahil iiwanan mo nang milya-milya ang iyong mga karibal dahil sa bilis mo.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kung saan malaki ang kikitain mo, roon ka. Hindi masama ang maghangad dahil ang masama ay hindi marunong maghangad dahil wala nang mangyayari sa buhay ng hindi naghahangad. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-3-18-24-25-41-45.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong pahalagahan ang itutulong sa iyo, pero may kapalit. Ang totoo, alam niya na mahalaga ka sa buhay niya kaya ganu’n na lang ang kabutihan niya sa iyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-6-15-16-26-37-40.


GEMINI (May 21-June 20) - Kapag may nalagpasan ka, huwag kang manghinayang dahil sa landas ng buhay na iyong tinatahak ngayon, napakarami pang magagandang bagay na iyong madadaanan. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-14-20-21-28-30.


CANCER (June 21-July 22) - Nakatutuwa ang buhay mo ngayon dahil sa biglaang pagpapalit ng iyong damdamin, may nawala sa iyo pero ang darating ay may dala-dalang yaman para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-17-21-27-35-39-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Kapag ayaw sa iyo, ayawan mo rin. Sa huli, sila ang manghihinayang dahil ang nagiging bahagi ng buhay mo ay nakapagtataka na sinuwerte at nagsisiganda ang kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-4-19-22-25-29-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Ipahiram mo ang iyong talino. Huwag mong ipagdamot dahil hindi ka man pasalamatan, makakaasa ka na ang langit mismo ay bibigyan ka ng regalo na nagsasabing susuwertehin ka. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-11-18-20-23-38.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Pasayahin mo ang alam mong lihim na malungkot. Kilala mo ang ganitong klase ng tao dahil minsan ka na ring nabuhay sa lihim na kalungkutan. Bubuwenasin ka kapag ginawa mo ito. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-2-10-14-16-24-32.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi nananalo ang mahina ang loob. Ibilang mo agad sila sa mga talunan, hindi pa man nagsisimula ang laban. Lakasan mo ang iyong loob, mananalo ka at mas gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-4-9-15-17-24-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Manindigan ka sa kung ano ang tama at mabuti na pinaniwalaan mo. Ang may paninindigan, hinahangaan ng langit at bibigyan ng pagkakataong mas mapaunlad pa ang buhay. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-7-10-16-27-34-40.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Hindi sa unahan hinahatulan kung panalo o talo. Hindi pa tapos ang laban, mapasasaiyo ang maalamat na palayok ng ginto at yaman ‘pag nagpatuloy na lumalaban. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-11-16-18-21-27-31.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mabilis ang mga kaganapan sa iyong harapan. Kaya kung hindi mo bibilisan, maiiwanan ka sa kalungkutan. Magpasya ka nang mabilis kung gusto mong sumaya at magkaroon ng masarap na buhay. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-12-14-30-37-45.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Lahat naman ay nadadapa dahil lahat ay nagkakamali, pero hindi lahat ay may kakayahang bumangon sa pagkakadapa. Ang masayang balita, muli kang makakatayo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-17-21-29-35.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page