Horoscope | Enero 31, 2026 (Sabado)
- BULGAR

- 17 minutes ago
- 2 min read
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 31, 2026

Sa may kaarawan ngayong Enero 31, 2026 (Sabado): Luwagan mo ang iyong kalooban dahil ito ang sikreto para magdatingan ang mga suwerte mo. Iwasan mo ring magalit nang wala sa lugar.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Bigyang-laya mo ang iyong sarili sa mga multong inimbento mo. Bakit ka nag-iisip ng mga negatibo na hindi naman mangyayari? Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-8-10-14-23-39-42.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi na maaawat pa ang nakatakdang kapalaran. Kahit pa malakas ang pagsalungat ng mga walang paniniwala sa iyo, ang magagandang bagay ay mapupunta pa rin sa iyong mga kamay. Masuwerteng kulay-burgundy. Tips sa lotto-9-11-19-28-34-41.
GEMINI (May 21-June 20) - Muli, itaas mo ang iyong alerto. Ang isang napakalaking oportunidad ay ilalagay sa harapan mo at kapag hindi mo ito pinansin, mawawala at mapupunta ito sa iba. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-13-26-30-37-44.
CANCER (June 21-July 22) - Ang mga taong hintay lang nang hintay ay walang mapapala, habang ikaw na dedma lang ay dadapuan ng mga suwerte na iyong ikamamangha. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-16-24-31-38-43.
LEO (July 23-Aug. 22) - Simple lang ang susi sa masayang buhay. Kung oo ay oo at kung hindi ay hindi! Ang mahabang paliwanagan ang kadalasang nagiging sakit ng ulo at sanhi ng pag-aalala. Sanayin ang sarili mo sa oo at hindi lang na kasagutan. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-6-18-20-27-33-45.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mabagal ang pag-unlad mo ngayon. Kaya mas maganda para sa iyo kung bibilisan mo rin ang pagpapasya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-5-14-22-29-34-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Nakakatuwa ang buhay sa mundo! Ang namimili ay napupunta sa bungi. Marami man ang hindi umayon sa nakasanayan mo, mapapasaiyo pa rin ang pinakamaganda. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-13-21-30-39-42.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ang mga taong mahina ang loob ay lalong panghihinaan ngayon. Hindi ka dapat mapabilang sa kanila, ang pairalin at pag-aralan mong mabuti ay kung paano ka tatapang. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-19-22-28-38-44
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - ‘Wag mong pilitin ang mga taong ayaw maniwala. Kapag nakita nilang tama ka, sila mismo ang lalapit sa iyo. Sa pagkakataong iyon, ang gagawin mo lang ay ang magbingi-bingihan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-3-7-18-26-31-45.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kung ano lang ang kaya, iyon lang ang ibigay mo. Sa ganyang paraan, mas maraming suwerte at malalaking biyaya ang mapupunta sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-6-11-17-25-32-41.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Lahat naman tayo alam na ang sama ng loob ay puwedeng maging sanhi ng karamdaman. Kaya mas mabuting umiwas na lang sa sinumang puwedeng magpasama ng loob mo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-4-14-18-21-33-43.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung saan maluwag, doon ka! Kaya ‘wag mo nang piliin ang paraan na alam mong mahihirapan ka. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-5-13-20-29-30-34.







Comments