top of page
WINNER - MACHONG CHISMISAN HOSTS, KAKASUHAN NG NBI SA PANLALAIT KAY JOSHUA_FB Circulated.j

Horoscope | Enero 31, 2021 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 31, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 31, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 31, 2021 (Linggo): Naghihintay sa iyo ang malalaking suwerte kaya hindi ka puwedeng huminto sa pakikipagsapalaran. Ito ang ibig sabihin ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang matatakot sa mga makakaharap mong pagsubok dahil ang mga pagsubok na inilalantad ng langit ay kusa ring inaalis kapag ang sinusubok ay nagpakita ng tapang. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-3-18-20-21-26-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Ikaw mismo ay magtataka sa kapalaran mo. Hindi sinasadyang susuwertehin ka dahil sa ikikilos ng isang sa biglang tingin ay walang magandang kapalarang tinatamasa sa buhay. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-16-24-26-34-36-43.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit ilang beses madapa ang isang tao, dapat ay tayo siya nang tayo. Tulad mo mismo, muli kang babangon sa pagkabigo mo at muling makikitang gumaganda ang iyong buhay. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-11-18-21-23-31.


CANCER (June 21-July 22) - Nasaan ba ang iyong suwerte? Ito ang matagal mo nang itinatanong sa sarili mo. Ang sagot ay nagsasabing ang mga suwerte mo ay nasa mga taong sa biglang tingin ay mahirap kausap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-17-20-22-28-34-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Nakatutuwa ang kapalaran mo. Gumawa ka ng mabuti sa isang tao na walang utang na loob sa iyo. Kapag ginawan ka ng hindi mabuti, ang aanihin mo ay magagandang kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-6-8-12-25-29-30.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Paikot-ikot lang ang tao sa sarili niyang mundo. Sa pagkakataong ito, sa muling pag-ikot mo ay nakatutuwa at nagbibigay-saya at ligaya kung saan ang mga suwerte ay guguhit sa kapalaran mo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-8-14-16-26-30-31.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Inaayos ng kapalaran ang buhay ng bawat tao. Tulad mo, kusang aayusin ng iyong kapalaran ang buhay mo. Sa pag-aayos, may mga bagay na aakalain mong hindi maganda. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-2-15-18-29-30-38.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Huwag mong pilitin ang ayaw sumunod dahil ngayon lang naman siya umayaw. Sa ibang araw ay magugulat ka pa dahil siya na mismo ay magiging alipin mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-14-25-27-30-35-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Bawat salita ay may kapangyarihan, kaya ang payo sa iyo ay pakaingatan mong magsalita ng hindi maganda dahil malaki ang posibilidad kung saan ang sasabihin mo ay magkakatotoo. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-7-11-13-18-19-24.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Lihim kang ngumiti kapag may gumawa sa iyo ng mali. Lihim kang matuwa kapag siniraan ka dahil ang kondisyon para mapasaiyo ang malaking suwerte ay ang nasa una. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-10-16-18-20-23.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Makipagsapalaran ka at mananalo ka. Para sa iyo, ang pakikipagsapalaran ay ituring mong isang masayang laro. Sa ganitong paraan, bubuhos ang mga suwerte sa buhay mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-5-9-17-25-27-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi mo kailangang pumunta sa malayo. Sapat nang balik-balikan mo ang matamis na sandali na pinagsaluhan n’yo ng nasa malayo. Sa ganitong paraan, ang mga suwerte ay mapasasaiyo. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-11-16-21-28-30-33.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page