Horoscope | Enero 3, 2023 (Martes)
ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 3, 2023
Sa may kaarawan ngayong Enero 3, 2023 (Martes): Ito ang araw na malaking suwerte ang ipagkakaloob sa iyo ng langit. Basta ang mahalaga ay lumabas ka ng bahay. Muli, lumabas ka na nang masubukan mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Dadaan ka sa makitid na daan, pero kailangan mong magpatuloy dahil pansamantala lamang ito at mapapalitan din ng malawak na landas ng buhay na iyong lalakaran. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-6-17-20-33-35-43.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag kang mag-alala sa mga suliranin mo ngayon. Katulad lang ang mga ito ng madilim na ulap na dumadaan at hindi nananatili sa kalangitan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-9-18-20-34-41-45.
GEMINI (May 21-June 20) - Rito sa mundo, hindi puwede na walang gabi. Tanggapin mo ang katotohanang ito nang sa gayun ay dumating ang iyong bagong umaga. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-25-39-40-46.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang maging emosyunal. Gamitin mo ang iyong isip at sundin mo ang tama at matuwid na landas ng katwiran. Ang damdamin ay nandadaya sa tao na makapag-isip nang mabuti. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-27-30-31-34-37.
LEO (July 23-Aug. 22) - Mapapalaban ka sa taong pilipit ang katwiran. Kapag napansin mong ganu’n ang iyong kausap, lumayo ka agad. Sayang ang oras mo sa ganitong uri ng mga tao na makitid ang utak. Ito ang paalala para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-15-20-23-35-41.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nakakatuwa ang sarili mo. Ikaw mismo ay makikitang nakikipagdebate sa iyong sarili. Walang mananalo sa ganu’ng sitwasyon, pero kung kikilos ka sa halip na makipagdebate sa sarili, panalo ka ayon sa gusto mong mangyari. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-14-25-31-36-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi mo kailangan ang taong mahirap kausap. Maghanap ka ng nakikinig sa tamang katwiran. Hanapin mo rin ang handang umunawa sa iyo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-4-17-20-24-26-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Dumating na ang takdang panahon ng pagbabago ng iyong kapalaran. Huwag mong balikan ang kalungkutan, pag-iisa at pangungulila. Ito ang mensahe para sa iyo ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-7-17-20-21-23-30.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Kung sino ang magbibigay sa iyo ng kaluwagan, siya ang iyong pakisamahan. Ang mga taong pabigat sa iyo ay iwasan mo ngayon. Bagong Taon na, kaya ang kailangan mo ay mga bagong kasama at kaibigan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-17-25-39-41-43.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag mong panatilihin sa iyong damdamin ang mga bagay na hindi mo nagugustuhan. Sabihin mo sa kinauukulan, pero sa magandang pamamaraan. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-4-16-17-20-23-44.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Hindi mo kailangan ang sinuman kung mahihirapan lang ang iyong kalooban. Mas maganda ang nag-iisa dahil payapa at tahimik. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran sa araw na ito. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-7-15-17-25-33.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Mamasyal ka kapag ikaw ay nalulungkot. Hindi puwedeng hindi magbago ang kapaligiran mo dahil ang kalungkutan ay maaaring masundan ng karamdaman. Ito ang paalala ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-9-18-21-26-27-34..




Comments