top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Horoscope | Enero 29, 2021 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 29, 2021
2 min read

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 29, 2021



Sa may kaarawan ngayong Enero 29, 2021 (Biyernes): Marami ang nagsasabing bawasan mo ang iyong kabaitan. Ang langit naman ay nagsasabing, ikaw ay pinagpapala dahil sa mga ginagawa mong kabutihan sa kapwa.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Hindi ito gabay, ito ay tiyak na iyong mararanasan na ikaw ay tatalunin ng iyong emosyon kung saan kaaawaan mo ang nakikita mong hirap na hirap sa pagpipilit na umasenso. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-19-20-24-39-35-41.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Unahin mo ang para sa iyong sarili. Ang kadalasan ay nagsisisi kang tumulong sa kapwa, pero ikaw mismo ay nangangailangan din. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-18-21-28-30-33-35.

GEMINI (May 21-June 20) - Kahit labag sa loob mo, maiisahan ka dahil sa mga araw na ito, mahina ang iyong natural na depensa laban sa mga taong may hindi magandang motibo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-21-25-30-40-46.

CANCER (June 21-July 22) - Muling ibinalik ng langit ang masusuwerteng araw mo. Ang sobrang masusurpresa ay ang mga lihim na kaaway mo dahil inaakala nilang ikaw ay matatalo nila. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-17-25-29-34-36-43.


LEO (July 23-Aug. 22) - Gumawa ka ng kabutihan kahit munting tulong lang. Papalitan ito ng langit ng malalaki at maraming magagandang kapalaran. Sundin mo ang payo kahit may pag-aalinlangan ka pa. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-8-15-16-24-26-34.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Nagbababala ang araw na ito at ang ilang araw pang darating na ang mga negatibong pananaw ay mananahan sa iyong isipan. Ang payo ay huwag ka munang magpasya ngayon. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-21-26-30-35.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Kahit kontrahin ka, hindi ka magbabago. Kahit harangan ka ng sibat, sasabihin mo sa iyong sarili na ang mahal mo ay mahal mo at sasabihin mo rin na walang pakialam sa iyo ang kahit na sino. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-8-11-18-26-34.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Maluwag mong magagawa ang gusto mong gawin. Dahil ang mga hadlang sa landas ng buhay na iyong tinatahak ay aalisin ng langit. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-18-26-28-30-36-45.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Hindi ka nag-iisa sa pagtawag mo sa langit. Maaaring hindi mo paniwalaan na may isang nanalangin na gumanda ang iyong buhay at siya ay pagbibigyan ng nasa itaas. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-14-27-31-35-37.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Iiral na naman ang pagiging mahiyain mo, pero ang langit ay nagpasya na kahit ano ka pa at kahit nasaan ka, ang mga suwerte ay bibisita sa iyo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-13-23-29-32-42-46.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Mahina ka ngayon, kaya hindi mo pa magagawa ang gusto mong gawin dahil maaawa ka. Pero sa ibang araw, ang awa mo ay mawawala. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-18-20-25-33-38.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kung talagang gagawin mo, tiyak na magagawa mo. Sa araw na ito, maluwag mong maipatutupad ang iyong mga kagustuhan. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-3-15-22-26-35-39.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page