Horoscope | Enero 27, 2021 (Miyerkules)

ni Maestro Honorio Ong - @Horoscope| January 27, 2021
Sa may kaarawan ngayong Enero 27, 2021 (Miyerkules): Sapat ang lakas ng loob mo para magtagumpay ka sa anumang hangarin mo sa buhay. Dahil dito, gamitin mo ang lakas ng loob mo.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Iyung-iyo ang araw na ito. Magsabi ka sa langit at ikaw ay maririnig. Kahit may pagkaimposible o mahirap mangyari, tiyak na gagawa ng paraan ang langit upang sumaya ka. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-11-18-20-25-39-40.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Hindi ka makausad dahil nag-aalinlangan ka sa binuo mong plano na kapag itinuloy mo, sa maniwala ka o hindi at kahit pa nag-aalinlangan ka, tiyak na aasenso ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-15-21-27-30-32-35.
GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na kapag lumabis ang tiwala mo sa iyong sarili, mabibigo ka. Mas magandang pakinggan mo ang mga sinasabi ng malalapit mong kaibigan. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-15-29-31-36-38-40.
CANCER (June 21-July 22) - Huwag kang mailto at huwag mo ring takutin ang iyong sarili. Pakinggan mo ang sinasabi ng iyong isip na higit kailanman, ngayon mo kailangang simulan ang iyong pagpapayaman. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-8-23-25-27-33-34.
LEO (July 23-Aug. 22) - Huwag kang masyadong magpatangay sa mga alaala ng matatamis na nakaraan. Mas magandang harapin mo ang bagong kabanata ng iyong buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-5-14-22-26-30-42.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Palalakasin ka ng isang malapit sa puso mo. Ipinadala siya sa iyo ng langit dahil ikaw ay nakitang kulang sa tapang at lakas ng loob. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-12-19-29-32-38-40.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Huwag kang maniwala sa kung sinu-sino, lalo na sa mga bagong kakilala mo. Mas paniwalaan mo ang dating malapit sa iyo na palaging nakaalalay at naaasahan mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-23-25-27-39-41.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Ibigay mo ang lahat ng kaya mo. Ito ang susi upang makuha mo ang anumang bagay na gustung-gusto mo. Kapag kapos ang kilos mo, kapos din ang mapasasaiyo at hindi ka lubusang sasaya. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-11-16-26-32-34-36.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Huwag kang titingin sa kanan o kaliwa. Huwag ka ring titingin sa likuran, sa halip, manatili kang nakatingin sa harap dahil ang tagumpay ay nasa iyong harapan. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-19-20-22-28-39-42.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Malakas ka ngayon. Ito ang totoo at ang hindi totoo ay ang akala mong ikaw ay mahina. Gawin mo ang gusto mong gawin, magtatalon ka sa tuwa dahil ngayon, malakas ka at maraming nagagawa. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-16-18-21-24-25-35.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Wala namang nagbabago sa kapalaran mo. Nananatili itong maganda at kaya lang naman ito pumapangit ay dahil ang pinili mo ay mga maling tao. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-7-9-11-15-18-23.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hinahanap ang nawawala, kaya hanapin mo ang dating ikaw na desidido sa buhay. Ang tunay na kaligayahan ay nasa pagiging seryoso. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-17-20-22-24-28-30.




Comments