top of page

Horoscope | Enero 26, 2026 (Lunes)

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • 15 hours ago
  • 2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | January 26, 2026



Horoscope


Sa may kaarawan ngayong Enero 26, 2026 (Lunes): May dahilan ang lahat ng bagay, at ito ay dahil sa mga suwerteng darating.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ipakita mo na buo ang loob mo para ipakita rin ng langit ang malalaking suwerte. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-2-11-19-24-35-44.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Huwag mong limitahan ang iyong kakayahan. Itodo mo ito, at magugulat ka, dahil nakaabang na pala sa landas ng iyong buhay ang mga suwerteng nakakamangha. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-8-21-25-33-38-45.


GEMINI (May 21-June 20) - Tiwala sa sarili ang panlaban sa pag-aalinlangan. Balikan mo ang iyong nakaraan at makikita mo, malalaking pagsubok na ang iyong nalagpasan. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-1-16-28-33-39-43.


CANCER (June 21-July 22) - Nakakayanig ang mga hamon ng iyong kapalaran, pero dahil nakayanan mo na ang mahihirap na napagdaanan mo, mayanig ka man, ikaw pa rin ang susuwertehin at magtatagumpay. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-5-10-22-26-34-41.


LEO (July 23-Aug. 22) - Kulang ka sa pagiging seryoso. Ito ang dahilan kung bakit bigla kang umaayaw sa magagandang pagkakataong nasa harapan mo noon. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-6-17-20-28-37-42.


VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Tanggapin mo ang reyalidad. Sa ganitong paraan, makikita mo na muling aabante ang buhay mo. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-7-13-21-27-30-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Mababawasan ang saya mo dahil makikita mo na ang buhay ay nangangailangan ng pagtutok upang makamit ang pangarap. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-5-19-29-31-37-40.


SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Hindi ito isang gabay, sa halip, ito ay totoo at talagang mapapalaban ka sa problemang akala mo’y hindi mo kaya. Pero sa huli, ikaw mismo ang magsasabi sa sarili mo na kaya mo pala. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-2-7-23-25-34-44.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sino ang takot, pero mula nang tumapang ay agad na bumukas ang mga pintuan ng mga biyaya at pagpapala ng langit? Sino pa nga ba, eh ‘di ikaw! Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-12-26-32-39-43.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Kapag sinunod mo ang mga plano mo, tiyak na hindi ka mabibigo. Ngunit kung hindi ka susunod, ang kabiguan ay naghihintay sa iyo. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-6-13-28-33-37-45.


AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Siya na nasa hulihan ay tinawag sa unahan, at siya na may mga kakulangan at kapintasan ay pagkakatiwalaan. Ang tinutukoy ay walang iba, kundi ikaw. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-4-14-17-24-35-42.


PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Duwag ka, pero puwede ka namang tumapang. Kailangan maging matapang ka dahil ang nananatili sa karuwagan ay mapag-iiwanan. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-9-16-27-30-36-41.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page