top of page
TALKIES - “HINDI MASAMA NA BUMILI NG MAHAL KUNG AFFORD MO” - HEART_IG _iamhearte.jpeg

Horoscope | Enero 27, 2023 (Biyernes)

Writer: BULGAR
BULGAR
Jan 27, 2023
2 min read

ni Maestro Honorio Ong @Horoscope | Enero 27, 2023


Sa may kaarawan ngayong Enero 27, 2023 (Biyernes): Ginagarantiyahan ng araw ng iyong pagsilang na ang tagumpay sa anumang larangan na iyong mapipili ay mapasasakamay mo. Ito ang kahulugan ng araw ng iyong pagsilang.


ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Ngayon ang tamang araw para gawin ang inaakala mong mahirap na proyekto. Simulan mo na ito ngayon. Huwag kang mag-alala dahil makakaasa ka na ang lahat ay tatakbo nang maganda. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-9-11-18-22-28-33.


TAURUS (Apr. 20-May 20) - Gamitin mo ngayon ang iyong imahinasyon nang sa gayun ay makadiskubre ka ng mga bagong ideya na puwede mong magamit sa pagpapalago ng iyong kabuhayan. Masuwerteng kulay-lavender. Tips sa lotto-18-20-24-28-34-36.

GEMINI (May 21-June 20) - Nagbababala ang araw na ito na kapag lumabis ang kumpiyansa mo sa iyong sarili, may kabiguan at kalungkutan kang mararanasan. Maghinay-hinay ka at pakiramdaman mo ang tinitibok ng iyong puso upang hindi ka magkamali. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-13-16-20-21-24-39.

CANCER (June 21-July 22) - Mahina ang loob mo, ayaw mo lang aminin. Mas maganda na dumikit ka sa malalakas ang loob nang sa gayun ay maitulak ka, kung saan makikinabang ka. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-19-26-27-30-33-37.


LEO (July 23-Aug. 22) - Ngayon ang tamang araw para makabuo ka ng magandang plano na lulutas sa iyong mga problema. Manahimik ka muna at saka mo ayusin ang magiging plano mo.

Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-13-16-25-26-35-42.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Sapat ang naipon mong kaalaman para matiyak na hindi ka na muling malulugi. Huwag mong kakaligtaan na ang mga kaalaman ay sinasamahan ng kaukulang pagkilos. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-3-14-25-29-40-41.


LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Unahin mo ang iyong kapakanan. Hindi na dapat maulit ang dati, kung saan inuuna mo ang iba, pero hindi nila pinapahalagahan ang ginagawa mo para sa kanila. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-3-19-28-30-35-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Kunin mo ang para sa iyo. Huwag mong hayaan na mapunta sa iba ang para sa iyo. Ipaglaban mo at muli mong makukuha ang inagaw ng iba. Ito ang payo ng kapalaran mo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-17-21-22-24-25.


SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Sapat ang kaalaman mo para magawa nang maayos ang mga proyekto. Hindi makabubuti kung may nakikialam sa iyo. Kumilos ka nang mag-isa at malaya at makikita mo na mas papaboran ka ng kapalaran. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-16-20-25-27-29-36.


CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Biglang tumaas ang antas ng iyong tapang. Kung hindi mo makokontrol, masasabi mo ang mga hindi dapat sabihin. Mas maganda na ang tapang ay kontrolado. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-11-15-22-23-39-40.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Huwag mong pangarapin ang hindi mo kaya, sayang lang ang oras na igugugol mo sa pangarap na hindi mo naman makukuha. Mas maganda na pangarapin mo kung ano lang ang iyong kaya. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-21-24-28-33-42.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Simple lang ang sikreto kung paano ka magtatagumpay. Ilarawan mo muna sa iyong isip ang mga gagawin mo. Sa ganitong paraan, hindi ka na magkakamali, magiging maayos ang lahat at makakamit mo ang lahat ng iyong gusto. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-2-10-14-22-29-40.


Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page